IHSL 13- Ang manhid mo.

205 8 0
                                    

I'm so so sorry for my late update. Very been busy in school at syempre wala kaming pasok bukas so free internet today and tomorrow! ^_^ 

*

Chichay's POV

It's been 2 weeks since the day I told Joaquin about my problem in my family. Medyo nagiging close na rin kami ni Joaquin. Si Mona at Luke tuloy pa rin sa ligawan stage. Ang saya saya ko nga para kay Mona eh. Si Kuya Jao at Bella naman ay nagiging close rin pero syempre may kaunting gap nga lang.

Naalala ko nung isang gabi na bumalik ang parents ang tunay na magulang ni Kuya Jao. Halos tumigil ang mundo namin ng gusto na nilang kunin si Kuya Jao samin. Pero di kami pumayag, lalo na ako at si Kuya Jao. 

"Uy Chichay!" Napatingin ako kay Joaquin. Nasa cafeteria kaming dalawa. Sabay kasi kaming kakain ngayon. 

"Oh, bakit?" 

Napahilamos siya sa mukha niya gamit ang palad niya. "Naku sinasabi ko na nga ba at hindi ka nakikinig eh. Wag mo na muna masyadong isipin yung mga problema mo.."

Napabuntong hininga nalang ako. "Opo sir. Hahaha dejoke lang. Ano ba kasi ang sinasabi mo?" 

"Yung sa mga details ng panliligaw ko kay Bella. Naghahanda lang ako at syempre nanghihingi rin ako ng mga suggestions sayo. Ayos ba?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Isa pa 'to sa mga problema ko eh. Ang masaktan sa tuwing binabanggit niya ang panliligaw niya kay Bella. Kung ganu niya kamahal si Bella.. 

"H-Ha.. O-Okay lang naman.." Di ko nalang siya tinignan at tinuon ang pansin ko sa kinakain ko. 

"Okay ka lang ba, Chichay?" Napatingin ako sakanya. Why does he looks so worried? Aish. Erase that thought.

"I'm okay, J.." 

I just sighed. Di ko alam kung kelan ko kayang itago ang nararamdaman ko para sakanya. Sana kayanin ko hanggang matapos ang 4th year life namin. Because on College, sa states or sa mga malalaking university na ako magaaral. Edi magkakahiwalay rin kami. 

"Chichay, pwede ba akong magtanong tungkol sayo?" 

I look at him and nod. "Sure. Ano yun?" 

I'm His Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon