Joaquin's POV
Naglalakad lakad ako ngayon sa kwarto 'ko. Is it really true na wala akong feelings kay Bella? Na nagkamali lang ako? Tuwing nakikita ko si Chichay sa malayo at masaya na kasama si Jao, nasasaktan ako, sobra.
"Hoy!"
Nabigla ako kay Luke ng bigla nalang siya sumulpot sa kwarto ko.
"Bakit?"
Natawa naman siya bigla. "Wala ka sa sarili mo. At pansin ko lang ah, kanina sa school nakita kitang nakatingin kay Chichay at Jao."
"Ha? Hindi ah!"
He just laughed at me. "Sus Joaqy, deny kapa. Halata na eh."
"Halata ang ano?" Pagtataka ko.
He grin. "Halata na... you're falling inlove to Chichay."
Natahimik ako bigla sa sinabi ni Luke. Is it really possible? Kaya ba wala na akong maramdaman na ano mang feelings kay Bella?
Chichay's POV
Umaga palang may nambubulabog na agad! Nakakairita na ah? Pabalang kong kinuha ang cellphone ko.
"ANO BA YON HA?! ANG AGA AGA PA NAMBUBULABOG KANA!"
Nakarinig naman ako ng tawa sa kabilang linya.
"ABA WAG MO KONG TAWANAN! ANO BA PROBLEMA MO?!"
Atlast nagsalita din. Nakakainit ng ulo!
"Pfft hay nako Chichay. Lakas maka sigaw muntik na akong mabingi sayo."
"EH SINO KA BA HA?!"
"Joaquin 'to."
Agad agad akong napabangon na para bang nagising ng buo ang kaluluwa ko.
"J-Joaquin ba't napatawag ka sa ganitong oras?"
Natawa nanaman sya. "Nasa labas ako ng bahay niyo. Labas ka dali."
"Ha?! Ba't nanyan ka--" binabaan na ako ng telopono. Walangya talaga to! Kundi ko lang siya mahal eh.
Bumaba ako sa kwarto ko at lumabas ng bahay. Agad ko naman nakita si Joaquin sa may labas ng gate na may dalang..
"Hoy ano yang dala mo?"
He chuckled. Sheez ang cute niya. "Uh flowers and chocolates?"
I rolled my eyes. "Alam ko baliw to! Para saan ba yan?"
Lumapit siya bigla sakin at binigay sakin lahat 'yon. "Para sayo yan Chay.."
Nanlaki mga mata ko sa gulat.
"Bakit?"He smiled at me and wink.
"Liligawan kita cause... I like you, Chichay."
*
Hanggang dyan po muna! :))
BINABASA MO ANG
I'm His Secret Lover
Fanfiction[IHSL - B2 of SMLS] Secretly inlove with someone? Iyan si Chichay. Pero hanggang kailan nga ba niya ito matatago sa sarili niya? Kung kailan ba, huli na ang lahat? -All Rights Reserved 2014-