Binibilisan ko talaga ang update dahil sa pasukan wala nakong time sa wattpad. Graduating na kasi ako so I'll be more focus on my studies.
*
Chichay's POV
Umiiyak pa rin ako ngayon. Katabi't kasama ko si Joaquin. Nasa studio nila kami, umuna na kami sa mga kaklase namin tsaka natapos na rin ang program. Well, we won the 1st price but not the champion. Sila Mona at Luke ang nag champion eh. Ayos na rin yun.
"K-Kahapon, sa bahay. Nang ihatid mo ko may problema na pala ang family namin."
He's just looking at me. Sincere siyang makinig sa problema ko. Natutuwa pa rin ako dahil kahit papano may kaibigan akong katulad ni Joaquin.
"Ano ang nangyare?"
Bigla ko nalng naisip yung nangyare kagabi. Mas lalo akong naiyak at higit sa lahat nalungkot at nasaktan.
[Flashback]
Nakatingin silang lahat sakin pero ganun ang expression nila. Pero nakita ko ay ang kaba, sakit at lungkot.
"M-Mommy, Daddy, Jaydee, Kuya Jao w-what's happening?"
Pinalapit ako nila Mommy sa may dining area. Nakaupo kaming lahat. Si Daddy nakaupo sa gitna, si mommy sa tabi ni Jaydee. Ako katabi ko si Kuya Jao. Basta ganun na yun.
"Ano po ba talaga ang problema?"
Dad sighed. "Oras na rin siguro para malaman niyo ang totoo tungkol sayo Jao."
Jao "A-Ako? Ha, alam ko na rin naman eh. I heard everything."
Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Mommy at Daddy. Si Daddy naiiyak na, si Mommy at Kuya Jao umiiyak na. Kami lang siguro ni Jaydee ang hindi umiiyak pero kinakabahan kaming dalawa.
Nagsalita na si Mommy. "C-Chichay.. Jaydee.. H-Hindi niyo tunay na kapatid si Jao."
Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat si Jaydee rin ay ganun. Tumayo na siya sa upuan niya bigla.
"M-Mommy, di yun totoo diba? Mommy..."
BINABASA MO ANG
I'm His Secret Lover
Fanfiction[IHSL - B2 of SMLS] Secretly inlove with someone? Iyan si Chichay. Pero hanggang kailan nga ba niya ito matatago sa sarili niya? Kung kailan ba, huli na ang lahat? -All Rights Reserved 2014-