IHSL 5- Bella Bernardo

283 8 3
                                    

Happy KathNiel Day to all KathNiel fans! :) Stay strong to @bernardokath @imdanielpadilla we love you! :*

 

 

Bella's POV

 

 

Nakakapagtaka ngayong umaga dahil ang tahimik ni Chichay at Jao. Pati na rin si Joaquin. Papasok na kami sa classroom ng umuna si Chichay sa pwesto ni... Mona? Umupo na rin ung iba pero kinausap ko muna si Mona. 

 

 

"Mona, bakit sa pwesto mo umupo si Chichay?" 

 

 

She shrugged. "Ang sabi niya nanggaling daw sila ni Kuya Jao sa faculty para kay Miss then nagpapalit daw siya ng pwesto pero ewan ko kung bakit." 

 

 

Napatango nalang ako tas umupo na rin kami sa upuan namin. Wala pa si Ms. Hanna kaya may chance pa kami makipagdadalan. Tinignan 'ko si Mona sa likod 'ko pero di sinasadyang mapatingin ako kay Joaquin and he smiled at me, nginitian 'ko nalang siya pabalik pero ng mapatingin ako kay Chichay bigla nalang siyang umiwas ng tingin. Ano bang nangyayare?

 

 

Biglang pumasok si Ms. Hanna sa room kaya umayos na kaming lahat. 

 

 

"Class. We the Teachers in Malaya University will have a meeting today. We don't have classes this morning so you can do whatever you want. Wala lang aalis ng school, understood?" 

 

 

Tumango kami then umalis na rin yung adviser namin. Tumayo si Luke, "So, anong plano niyo?"

 

 

Tumayo bigla si Chichay. "Library lang ako. Sige, bye." 

 

 

Di na namin siya napigilan at umalis na lang bigla. Di 'ko siya gets. Ano bang nangyayare sakanya? Kamusta na siya? She changed magmula kahapon. 

 

 

May nangyare ba sakanya kahapon? 

 

 

Inayos naman ni Mona yung bag niya. "Susundan 'ko lang si Chichay. Bella, sama ka?"

 

 

Napatingin ako kay Jao. Pero naisip 'ko I should ask him right? Para mas maclear sakin kung ano talaga ang nangyare kay Chichay. Syempre as a friend I should be concern to her. 

 

 

"Ah no. May pupuntahan ako." Napansin 'kong umalis na pala si Luke at Joaquin pero si Jao andito pa. Well, mas okay nang kami 'tong dalawa lang. 

 

 

Umupo ako sa tabi ni Jao. Buti nalang kaming dalawa nalang ang nandito. Mas mabuti 'to para my alone time kami hihihi.

I'm His Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon