IHSL 10- Mona and Luke

259 8 0
                                    

Tinamad ako magupdate kahapon kaya ngayon na lang. Sa mga may pasok na ngayon isa lang ang masasabi ko... Condolence HAHAHA. Kami next week pa hahaha. 

 

Mona's POV

 

 

Kasama ko si Luke ngayon. Oo, leche lang talaga dahil siya ang kasama ko. Si Bella at Chichay kasi may mga sariling kasama. -__- 

 

 

"Oy Mona, libre mo naman ako ng pansit canton sa caf." 

 

 

Kanina pa ako kinukulit nang lalaking 'to. Gusto magpa libre ng pansit canton eh ang yaman yaman naman niya. 

 

 

Nagcross arms ako. "Aba Luke. Sineswerte ka ata. Ang yaman mo naman ah." 

 

 

"Yhh.. Sige na Mona, please.. Ngayon lang naman eh." Napabuntong hininga na lang ako.

 

 

"Hay nako. Oo na nga. Oo na leche ka." 

 

 

Tinawanan niya ako. "Thank you Mona." at nagulat ako ng yakapin niya ako bigla. 

 

 

Why all of a sudden I felt something in my stomach and why does my heart beat so fast lke this? Ugh, erase erase! Ano ba tong pumapasok sa isip ko?!

 

 

Nabalik ako sa wisyo ng marinig kong magsalita si Unggoy este Luke. 

 

 

"Lagi nako sasama sayo para lagi akong may libreng pagkain." Tumawa siya kaya naitulak ko siya palayo. 

 

 

"Leche ka! Sumosobra ka na ah!" Tumawa lang siya at inakbayan ako. 

 

 

"Tara na nga. Libre mo nako, Mona mylabs." 

 

 

Naglakad na kami papuntang caf para ilibre siya T_T Pero di mawala sa isip ko yung sinabi niya sakin..

 

 

Mona mylabs...

 

 

Aish! Ano ba to?! Nakakairita! Hay binili ko nalang nang pansit canton si Luke then umupo na rin kami para kumain na SIYA. Oo, siya lang naman ang kumakain eh psh. -__-

 

 

"Gusto mo?" 

 

I'm His Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon