Samantha's POVGabi na nang matapos kong linisin ang bago kong lilipatang bahay/condo kaya naisipan kong bumili muna ng pagkain sa malapit na convenient store.
Bumili ako ng napakaraming snacks balak ko rin kasing mag movie marathon kaya sinulit ko na para isang bilihan nalang.
"Miss plastic o paper bag?" Tanong nung babae sa counter
"Plastic mo nalang miss"
"Miss mukhang hindi kasya sa isang plastic tong pinamili mo"
Tinignan ko ung mga pagkain mukhang hindi nga kasya. Kaya ginawa ko, kinuha ko ung isang pack ng Lays, my favorite hehe kakainin ko nalang sa daan tutal gutom narin ako.
Palabas na ko nang biglang kumalabog ung pinto
*DOOG*
"AY PALAKANG MAY ITLOG!" Sigaw ko sa sobrang gulat, pati ung bitbit ko naitapon ko, kumalat tuloy ung pagkain ko sa sahig. My precious Lays -.-
"Anak ng putcha naman oh! bakit hindi kasi magdahan dahan, may atraso ba sayo ung pinto" sambit ko habang pinupulot ung pinamili ko. Tumingin ako sa harapan , may grupo ng lalaking pumasok pero waley, hindi nila ako pinansin, tinignan lang nila ako.
Bigla namang lumapit sakin ung babae sa counter at tinulungan akong magpulot
"Miss pasensya ka na. Ganun lang talaga sila" sabi niya.
Sa pagkakasabi niya mukhang kilala niya na ung mga lalaki. Siguro palagi un dito, pero ang bastos aa! Dapat dun tinuturuan ng leksyon!
"Bakit sino ba sila?!" Tanong ko.
Yumuko lang ung babae, tumayo ako para hanapin ung mga lalaki, nakita ko ung dalawa na kumukuha ng alak, ung iba naman kumukuha ng snaks, ung isa naman nakaupo lang. Aba like a boss aa!
Lumapit ako sa lalaking nakaupo. Mukha siyang dancer na hip hopper dahil sa suot niya na baggy pants and maluwag na tshirt na kulay pula.
"Ahem! sa susunod pwedeng dahan dahan lang sa pagbukas ng pinto kasi nakakaabala ka sa ibang customer" pagmamataray ko.
Tumingin lang siya sakin.
"JUNGKOOK! Tulungan mo nga ako dito" sigaw nung isa niyang kasama
"Teka lang hyung!" Sigaw niya.
Tumingin ulit siya sakin saka biglang tumayo. Akala ko aalis na siya pero nagulat ako nang bigla siyang lumapit sakin, napaatras ako.
Dug dug...
Humakbang ulit siya papalapit, aatras sana ulit ako kaso hinawakan niya ung balikat ko. Napalunok ako bigla.
"Sige sa susunod...Noona" Bulong niya sabay kindat saka naglakad papunta sa kasama niya.
"Noona?!!" Sigaw ko
Hindi ko kinaya yun, Noona? Ako? Noona? There's no way na Noona niya ko! Mas mukha siyang matanda sakin and ang laki niya para maging dongsaeng ko!
Lumapit ulit ako sa kanya pati tuloy ung mga kasama niya napatingin na samin.
"Yes Noona?" Inosenteng tanong niya
"Stop calling me noona! I'm not that old para tawagin mong noona!" Angal ko. I'm too young para maging noona ng isang higanteng lalaki.
"Then what should i call you? Hyung? Omma? O baka naman gusto mo Yeobo (honey)?" Sagot niya
Bigla namang nagsitawanan nung kasama niya.