Samantha's POV
Patuloy parin sa pag tawag si Ken simula nung huli naming paguusap, araw araw at gabi gabi siyang tumatawag pero di ko naman sinasagot.
We broke up and yun na yun and for the record he's the one who broke up with me kaya i hate him sobra!
I gave everything but in the end ako parin ang nasaktan. It hurts until now kasi akala ko siya na pero mali pala ako kasi mas pinili niyang mahalin ng iba kesa sakin.
Yes! He had an affair with someone else and yung babaeng yun tinuring ko pang kaibigan. Kaya sobrang sakit.
"Sammy Eoniee~ tulala ka na naman! Ok ka lang ba? Gusto mo wag na tayong tumuloy?" Sabi ni Hanna
"ok lang ako. Tss utuut mo Hanna kahit himatayin ata ako dito, tutuloy ka parin ee." sabi ko
Kung nacucurious kayo kung san kami papunta, well sinama lang naman ako nitong baliw na babaeng to sa fansigning ng BTS, sabi niya susuplyan niya ako ng lays habang buhay ii! Kaya pumayag ako. Hehe. Atyaka aaminin ko gusto ko rin silang makita...
"Grabe ka naman Eonniee syempre tatawag muna ako ng ambulance bago kita iwan hahaha!" Sabi niya.
So iiwan niya talaga ako. Bweset! -,-
Pagkarating namin sa venue. Nagkalat yung mga fans, yung iba nakatshirt pa na may print nung bias nila. Taray! Edi wow
Bigla naman akong hinatak ni Hanna papasok sa CR. Shet ano na naman bang balak niya.
"Ano na naman ba hanna" sabi ko.
nagulat ako nang bigla siya naglabas ng make up. Tapos may inabot pa na headband na may JIN na design.
"Eonniee~ i need your permission. Pwede ba kitang lagyan ng makeup. Di na kasi uso yung simple ngayon." Sabi niya. Napasapo nalang ako, pwede bang umuwi nalang ako? Parang baliw kasi kasama ko ee
"Uuwi nalang ako Hanna, pati ba naman mukha ko kailangan mong pakelaman? Tapos itong headband! Anong gagawin ko dito..." angal ko.
"Duh! Eoniee common sense, natural isusuot!" Sabi niya.
"Theres no way na isusuot ko yan!"
"Eoniee please, kailangan may ganyan o gusto mo ito nalang!" Sabi niya sabay naglabas ng shades na may RAP MON naman na design!
"Sabihin mong nagbibiro ka lang? Gusto mo bang di na makapasok ng bahay ha!?" Sabi ko
"Ay joke lang talaga yun eonnie~ Ha-ha! Pero eonniee~ fansigning kasi to... mahahalatang di ka fan kung wala kang suot na kahit ano na may pangalan nila. Tapos baka malaman pa nila na anti ka! Nako bahala ka dyan" sabi niya na parang nanakot pa.
"fine edi uuwi ako kung nalaman nila na hindi ako fan!" Sabi ko.
"Edi... wala ka na ring lays" sabi niya.
O.O
"O ano... make up and this cute accessories o lays" sabi niya
Oh no! Parang life or death ung choices. Jusko po.
"Hmm. Basta wag mo masyadong kapalan aa! Atyaka wala na bang mas simple dyan, yung kahit kwintas or bracelet lang. Basta wag lang to please." Sabi ko. Ngumiti lang siya sabay nagumpisa na magdrawing sa mukha ko. Oh no my beautiful face!
Almost 10 minutes kami sa CR bago natapos yung make up session namin and inferness naman kay Hanna, may talent talaga siya sa pag mmakeup, nag mukha kasi akong tao, miski ako nagandahan sa sarili ko kaya not bad narin.
Nasa loob na kami ng venue and guess what nasa harapan kami nakaupo, VIP daw kasi yung binili ni hanna na ticket para daw makamayan din niya yung bts at mabigay yung regalo niya na mukhang puro mamahalin. kahit hindi ako fan parang nahiya ako kasi wala man lang akong regalo sa kanila. hayss.