[Vote and Comment]Samantha's POV
...
Isang Linggo na ang nakalipas simula ng mag-umpisa ang klase pero hanggang ngayon wala parin akong nagiging kaibigan.
May kumakausap naman sakin pero laging for short time lang.
lahat kasi ng classmate ko dati ring magkaklase nung highschool ako lang ang walang kasama kaya nahihirapan ako makipagkaibigan.
Sanay ako ng may kasama pero ngayon siguro kailangan ko nang masanay magisa.
No Hanna, No friends, I need to be independent!
NagBell na para sa lunch time kaya bumaba agad ako sa Canteen. Bumili ako ng snacks na pwede kong madala kahit san.
Ayoko kasing kumain sa loob ng canteen ng walang kasama , its very awkward and embarassing at the same time.
Pumunta ako sa rooftop para dun kainin yung binili ko pero pagdating ko don bigla akong nawalan ng gana kumain dahil sa ganda ng view.
Nilabas ko yung earphone ko at nagpatugtog at siyempre bts yung kanta
Simula ng magustuhan ko sila halos lahat ng kanta ko napalitan ng bangtan songs. yeah ang weird parang dati lang nilalait ko sila pero ngayon heto ako at patay na patay na sa kanila
Np: hold me tight
Naging isa sa paborito kung kanta dahil sobrang galing vocal line lalo na si Jimin. Yung highnote niya mas mataas pa sa height niya at nakakabilib talaga yun
Mataim ko lang pinagmasdan yung magandang view sa rooftop, feeling ko tuloy gumagawa ako ng music video ng hold me tight.
Sad song tapos ako na nageemote.
Pero lahat ng nasa isip ko biglang nagdilim nang biglang may tumakip sa mga mata ko.
"Sino ka?!" Tanong ko habang tinatanggal yung kamay niya sa pagkakatakip sa mata ko
"Hulaan mo..." Bulong niya
Napahinto ako nang marinig ko yung boses niya...
Kilala ko yung boses niya pero hindi ako sigurado kung siya ba talaga yun kasi... Imposible na magpunta siya dito.
"Bitawan mo na ko please?" Mahinahon kong sinabi sa kanya pero tumawa lang siya
Ramdam ko yung presensya niya at yung paghinga niya sa tumatama sa buhok ko.
We're so close to each other kaya parang tatalon na naman yung puso ko sa kaba
"Hulaan mo muna" sabi niya na parang tuwang tuwa sa ginagawa niya
"Fine..." Sabi ko sabay huminga ako ng malalim
"I just want you to know na hindi ako manghuhula, but just listening to your voice alam kong ikaw yan... Jeon Jungkook"
Tumawa siya sabay tinaggal na yung kamay niya sa mata ko
Humarap ako sa kanya at tumambad sakin si Jungkook... Si jungkook na naka school uniform...
Hindi ko napigilang tumawa sa itsura niya, he looks cute, i mean super cute! Ibang iba sa Jungkook na nakikita ko sa live performace nila.
"Yah! Noona naman eh! Pinagtawanan na nga ako nila hyung eh pati ba naman ikaw?" Sabi niya sabay nagpout...
"Sorry Jungkook, pero ang cute mo kasi eh" sabi ko