[VOTE AND COMMENT]
-----> Cryng Jin. Must watch guys, sinibuyas yung mata ko dyan.Samantha's POV
"Hi po tita" sabi niya sabay inabutan si mommy ng bouquet at nagbeso sila
Tuwang tuwa naman si mommy na kabaliktaran ng nararamdaman ko ngayon
Kelan pa sila naging super close?
"Hi sam, kamusta?" Sabi niya
Napayukom ako bigla sa sobrang inis. I hate him! I really really hate him! Ang lakas ng loob niyang magpakita sakin ngayon pagkatapos niya akong iwan at ipagpalit sa iba!
"Im fine!" sabi ko sabay irap.
Napatulala lang siya sa sinabi ko, naramdaman ko yung mahinang hampas ni mommy sa kamay ko
"Whats wrong with you, be nice to him" bulong niya
"Fine! I will try" Bulong ko rin sa kanya sabay umupo na kaming tatlo
Bakit ba kailangan pa namin magkita? Maayos na naman yung buhay naming dalawa, mukha namang ok siya at masaya na ako ngayon. Bakit kailangan pa magtagpo yung landas naming dalawa? Para ba magkaroon ng closure?
"How's life ken? It's been 2 years, kamusta ka?" Tanong ni mommy habang namimili ng pagkain sa menu
Narinig ko yung mahinang tawa ni Ken
"I'm always fine tita. Kayo po mas lalong gumanda" sabi niya
Tss! Sipsip! Edi sila na talaga ang close
Binaba ko yung menu na hawak ko, naiinis na kasi ako sa dalawang kasama ko sa table. Bakit ba kasi ako nandito? Wala naman akong pake sa paguusapan nila at for the record nasayang yung punta ko, pati yung fanmeeting ng bangtan.
"Tss... Can i go now? Wala naman akong ganap dito eh" sabi ko, tumingin lang sila sakin.
"What? I'm asking kung pwede na ko umalis?" Sabi ko ulit
"No, stay here." Sabi ni mommy sabay tumingin kay Ken na parang may sinenyas. Biglang tumayo si Mommy bitbit yung bag niya
"Where are you going?" Nagtatakang tanong ko. Don't tell me iiwanan niya ako dito. Me with that jerk? Baka gusto niyang magka world war III
"I have to go may business meeting pa ko eh. So enjoy" sabi ni mommy. Pinigilan ko pa siya pero wala akong nagawa iniwan niya parin ako kasama si Ken
"I'm sorry Sam. Tinawagan ko talaga si Tita para makita ka. Ayaw mo kasing sagutin yung tawag ko, so i don't have a choice..." Sabi niya pero hindi siya nakatingin sakin nakayuko lang siya.
Nakakaawa? Definitely not
"Nope, you have a choice, we always have Ken... pero lagi mo nalang pinipili yung mali at makakasakit sa damdamin ng iba" yumuko ulit siya na parang nakokonsensya.
"Alam kong nagkamali ako Sam but please let me explain" sabi niya
"Explain? Why? Gusto mong makipagbalikan? Bakit? Nagbreak na ba kayo ng pinalit mo sakin?" Sabi ko hindi siya agad nakasagot, nakatulala lang siya na parang maluluha...