[VOTE AND COMMENT]Samantha's POV
Nagbukas agad ako ng laptop pagkatapos naming magusap ni Hanna. Nacurious kasi talaga ako sa BTS na yun atyaka hindi naman kasi imposibleng mameet ko sila, we're on the same building. Kumbaga kapitbahay ko sila, kaya kailangan kilalanin ko rin sila diba?
Search: Bangtan Sonyeondan
Tumambad sakin ang napakaraming pictures. Wow daebak! Ang dami nilang fans, famous pala talaga sila. Tinignan ko isa isa ung pictures, ang popogi nila. Pero nagtaka ako parang pamilyar kasi sila sakin, parang nakita ko na kasi sila. Hmm.
Nag search pa ko ng about sa kanila, nagclick ako ng isang website about them.
BTS or Bangtan Sonyeondan is a south korean boy group which consist of seven members: Jin, Suga, Jhope, Rap Monster, Jimin, V and Jungkook:
"Jungkook?!" >.<
Parang nagbreakdown ang mundo ko sa nabasa ko. Panong nangyari na kasama siya sa member ng BTS! Ung rude na lalaking yun? Idol ni Hanna? oh no!
Tumingin pa ko ng facts about them specially kay Jungkook. Mas lalong nag breakdown ung mundo ko nung makita ko ung birth date niya
"1997" maluha luha kong binasa ung edad niya "Noona? Ha-ha NOONA NIYA NGA AKO!"
Sa sobrang inis nabalibag ko ung laptop ko pati ung popcorn ko natapon na. Ano ba namang buhay toh! Bakit sa lahat ng makakaaway ko, artista pa at masama idol pa ng best friend ko. Pano ko sasabihin sa kanya na nakaaway ko ung idol niya. Huhu :'(
Ding dong~
Walang gana akong tumayo para buksan ung pinto. For sure si Hanna na yun, nagiisip parin ako kung pano ko sasabihin sakanya ung nangyari kanina pero naisip ko rin na wag nalang sabihin pero nangako kasi kami na walang secret kaya no choice ako.
Pagkabukas ko ng pinto, hinila ko agad si Hanna papasok, tumalikod ako tyaka ko nagsalita hindi ko kasi kayang harapan sabihin sa kanya for sure iiyakan lang niya ako
"Hanna sorry talaga pero ung BTS na sinasabi mo..." Hindi pa ko tapos magsalita ng bigla siyang magsalita
"Noona?!"
"HAHA anong noona, kelan ka pa naging lalaki Hanna?" Pagharap ko tumambad sakin ung nagtatakang mukha Jungkook
"JUNGKOOK??!!!" Sigaw ko. Kinusot ko ung dalawang mata ko baka naghahallucinate lang ako. Lumapit ako sa kanya tyaka pinisil ung pisngi niya. "Ha-ha! Ang galing si Hanna naging si Jungkook, sabi ko naman kasi sayo wag kang masyadong magpapakabaliw sa mga yun yan tuloy naging kamukha ka na nila sa mata ko"
"Ikaw ata ung nabaliw Noona! Ako kaya si Jungkook" sabi niya.
Tumawa ako ng malakas!
"HAHAHAHA!!! Ang lakas mo namang mag joke. Hindi ikaw yun! Nanaginip lang ako. Ipipikit ko lang toh tapos mawawala ka na sa harapan ko" kaya ginawa ko pumikit ako with matching dasal na sana panaginip lang talaga toh pagkadilat ko, tumambad sakin ung napakalapit na mukha ni Jungkook.
"Ahhh!!!!!!!" Sigaw ko tyaka ko siya tinulak papalayo.
"Sabi sayo ako si Jungkook" sambit niya.
Panong nangyari na nasa loob siya ng bahay ko! Trespassing siya o baka naman may balak siyang masama sakin, baka balak niya kong gilitan ng leeg dahil inaway ko siya kanina. WAH! Napaupo ako bigla sa sahig, biglang nanlambot ung tuhod ko. Pano?! Pano?! Pano?!