[Vote and Comment]
( JIKOOK <3 )Jungkook's POV
"Jungkook... Pwede ba tayong magusap?" Napatingin agad ako kay Jimin hyung na nakatayo sa pintuan ng kwarto.
Tumango ako.
Hindi ko alam akung anong sasabihin ko kay hyung. Magagalit ba ko o magiging masaya para sa kanya. Napakahirap intindihin ng nararamdaman ko ngayon.
Lumapit si hyung at umupo sa kama ko
"Alam mo naman siguro kung tungkol saan yung sasabihin ko" sambit niya, tumango ulit ako
"Hmm. Alam kong galit ka sakin Jungkook kaya gusto kong magsorry" sabi niya
Inaasahan ko na namagsosorry si Hyung pero simula kanina hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung ganun nalang ba kadali at kasimple na patawarin siya.
"Aaminin ko hyung naiinis talaga ako sayo, hindi ko kasi maintindihan kung bakit mo ginawa yon. Alam mo naman na gusto ko si noona..." Pagamin ko "kung gusto mo siya dapat sinabi mo man lang sakin.."
Tumingin ako kay hyung pero nakayuko siya na parang nakokonsensya sa ginawa niya.
"I know Jungkook and I'm sorry, kasalanan ko lahat pero may reason naman kung bakit ko ginawa yun" sabi niya
"Reason?" Ulit ko. Tumango siya at tumayo na rin
"Malalaman mo sa Saturday Jungkook..." Sabi niya sabay tuluyan ng lumabas ng kwarto
may reason? Anong ibig niyang sabihin?
Ofcourse everything has its reason pero sa sitwasyon ni hyung, ano bang pwede niyang maging rason?
Una: gusto niya akong pagselosin kasi may lihim siyang pagtingin sakin?
Pangalawa: gusto niya talaga si Noona? (No, no, no,)
Erase! Erase! Erase!
Hays. Ano ba talagang gusto ni Jimin hyung?
Pero kung may tama man yung naisip ko. Sana Sa dalawang pagpipilian, Sana yung una nalang yung dahilan ni hyung kasi mas matitiis ko pa na ako yung kinukulit niya kesa makita ko sila ni noona na magkasama at nagkukulitan.
Hindi ko maimagine at ayokong isipin! NAkakainggit at nakakaselos...
Nagtalukbong ako ng kumot sa sobrang stress at sobrang pagod kakaisip ng mga problema na nangyari ngayon.
Parang kanina lang ang saya ko dahil nayakap ko si Noona tapos sa isang iglap lahat yun ay napalitan ng lungkot at problema
"Love is indeed complicated"
Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko
11:12 PM
Sumobra na naman ako ng isang minuto para makapagwish. Madalas akong magwish tuwing 11:11 ang oras, sabi nila magkakatotoo daw yung wish mo at wala namang masama kung susubukan kaya ginagawa ko parin.