[Vote and Comment]
[Epilogue in manila- my shot! Ang gwapo nila gosh!"]
[play the song while reading this]Samantha's POV
"Hindi pwede Jungkook.." Maikling sagot ko
lumayo ako sa kanya at umayos ng tayo. Gusto kong pakalmahin yung sarili ko pero pano ko gagawin yon? Yung puso ko sobrang bilis ng tibok, gusto kong pumayag sa gusto niya pero hindi pwede.. Kasi alam kong may mga taong nagaalala na sa kanya,,
"Ang daya mo naman noona, bakit hindi pwede?"
"Kasi kailangan mo ng umuwi"
"Noona, ako na bahala kela hyung, ttext ko nalang sila, sige na please" sambit niya,
Umiling ako saka ko binuksan yung elevator, lalabas na sana ako kaso bigla syang humarang sa dadaanan ko
"Noona.. Please? Kahit 10 minutes lang"
Huminga ako ng malalim saka umiling, "next time nalang Jungkook" sagot ko
"Pero noona.."
Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya, lumabas na agad ako. Nakasunod lang sakin si Jungkook hanggang sa makita namin si Jin at Taehyung na nagaantay sa labas ng unit nila
"Sammy, Jungkook!" Sambit ni Jin, lumapit silang dalawa samin, halatang nagaalala kung san nanggaling yung maknae nila
"Yah! San ka nagpunta! Dapat nagpaalam ka man lang Jungkook, pinagalala mo kami!" Sambit naman ni Taehyung
"Thank you Sam" bulong ni Jin sakin, ngumiti lang ako..
Tumingin ako kay Jungkook na nakasimangot yung mukha,, hays..
Gusto rin kita makasama ng matagal Jungkook pero hindi na pwede..
Nagusap usap pa kami nila Taehyung pero si Jungkook hindi ako kinikibo.. nagtatampo sakin si Jungkook, alam ko at ramdam ko..
"Huy, kanina ka pa tahimik ah" sabi ni Taehyung kay Jungkook pero hindi siya kinibo nito
"Sam nagaway ba kayo ni Jungkook? Bakit nagkaganyan yan?" Sambit ni Jin, umiling lang ako sabay tumingin kay Jungkook na nakayuko habang si Taehyung kinukilit sya na magsalita
Hays.. Bahala na! Kakapalan ko na mukha ko!
"Jin.. Pwede ko bang hiramin si Jungkook? Kahit 10 minutes lang?"
Halatang nagulat si Jin at Taehyung sa sinabi ko.. Miski ako nagulat sa sinabi ko, hindi ko akalain na masasabi ko yun pero para kay Jungkook ayos lang..
Tumingin ulit ako kay Jungkook na biglang nabuhayan yung mukha. kaya nakahinga na ako ng maluwag
"sige na Jin, promise ibabalik ko siya ng buo, walang galos, walang sugat, kung ano siya ngayon, ganun ko din siya ibabalik sa inyo" sambit ko
Biglang tumawa si Jin at Taehyung, hindi ko alam kung bakit pero pati ako napangiti, ano ba naman kasi tong ginagawa ko..
![](https://img.wattpad.com/cover/39141833-288-k601408.jpg)