[Vote and Comment]Samantha's POV
Habang nasa daan, Pabalik sa Bighit, biglang tumahimik si Jungkook.. Miski ako hindi ako makapagsalita dahil sa eksena kanina..
Yung backhug, yung sinabi nya.. Wah!
Ewan ko ba kung anong nangyayari sakin.. Dati naman hindi ako ganito, hindi ito yung unang beses na nainlove ako pero ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito.. yung sobrang saya at kilig sa tuwing nakakasama ko sya.. 'Si Jungkook'
Palihim akong tumitingin sa kanya pero sya sobrang focus sa daan at ayaw tumingin sakin..
Aish! Ano ka ba Sam Para kang elementary student na unang beses na-inlove..
Nagulat ako nang magtama yung likod ng kamay namin, Parang may koreyenteng dumaloy sa katawan ko.. Tumingin ulit ako sa kanya pero hindi na naman sya tumingin
Sa maraming beses na nangyari yon, hindi ko nanapigilan ang sarili ko at hinawakan ko na talaga yung kamay nya
Tumingin sya sakin sabay ngumiti
"Pervert" bulong nya sabay tumawa
hinampas ko yung braso nya sabay tumawa
"Kailangan ko bang magpaalam para hawakan kamay mo?" tanong ko
"hmm.. maybe?"//
"Maybe Yes o Maybe no?"//
"Maybe Both" sagot nya sabay tawa
Medyo nahilo ako sa sagot nya pero nakakatuwa kasi nakikita ko syang nakangiti
"Ako Noona.. Kailangan ko bang magpaalan para mahawakan yung kamay mo?" Tanong nya
Yung tanong ko binalik nya lang sakin.. hay nako Jungkook
Umiling ako "Free lang yung hawak sa kamay ko.."
Tumingin sya sakin, seryoso yung mukha nya
"Free? Pati sa iba free rin? Hindi pwede Noona!" Natawa lang ako sa kanya, para syang bata ii
"Free pag si Jeon Jungkook ang hahawak pero pag iba may bayad na" sambit ko
Napangiti sya bigla sa sinabi ko
ayan na naman yung ngiti nya.. Bakit ganun? mapa text, mapa dampi ng kamay at mapa ngiti ni Jungkook, sobrang bumibilis ang tibok ng puso ko.. nahulog na talaga ako sa kanya...
Nasa tapat na kami ng Bighit kaya binitawan ko na yung kamay nya baka kasi may makakita samin..
Tumingin sakin si Jungkook na parang nags-sorry kaya ngumiti ako sa kanya
Alam ko naman kung ano ang sitwasyon namin at naiintindihan ko kung hanggang saan lang ako, yung limitasyon ko..
Pagkadating namin sa practice room, sinalubong kami ni Hobi na ang laki laki ng ngiti
"Yung bangka ko! Naglalayag na!!!" Sigaw nya
kahit kailan talaga sobrang energetic ni Hobi.. parang nakainom lang ng isang banig ng enervon sa lakas ng energy
"Hey Sam! Kamusta ka naman?" bati ni Suga sabay nakipag-apir sakin
"Ok lang naman.." sagot ko tapos bigla syang nagsmirk..
Aigoo.. ang gwapo ni Suga.. ay hindi lahat pala sila gwapo pero iba-iba yung charm nila..
"Sammy!" biglang lumapit sakin si Rap Monster sabay Pi-nat yung ulo ko