Jungkook's POV
*First meeting*
Kakatapos lang ng broadcast para sa Music bank at heto kami, walang ginagawa. Kaya ung ibang members natulog nalang gaya ni J-hope hyung at syempre ang sleeping beauty ng grupo si Suga hyung.
Bigla namang pumasok si Namjoon hyung na parang tuwang tuwa, "Guys sabi ni Bang PD nim~ gawin daw natin ung gusto nating gawin ngayong araw" sabi niya. Bigla namang nagsigawan sila V hyung at Jimin hyung.
"Jimin! Laro tayo!" Sabi ni V hyung, tss kahit kelan talaga ang wierd niya buti nalang pogi siya kaya mahal na mahal parin siya ng Armys.
Bigla naman sila tumingin kay J-hope hyung na natutulog sa magkadikit na silya. Mukhang masama ung binabalak nila, kawawa naman si Hobi hyung. Hays. Pinanood ko lang sila na pagtripan si Hobi hyung, kahit kelan talaga nakakatawa sila, para kasi silang nakawala sa ibang planeta lalo na si V hyung.
After few minutes umuwi na rin kami sa bago naming dorm. Ang galing nga kasi 2 years palang kami may bago na agad kaming dorm at dahil yun sa armys. Yey!
May kanya kanya kaming ginagawa pagdating sa dorm. Si Jin hyung nagluluto. Si Suga hyung, ayun hawak ung bola ng basketball, mukang balak pa atang gawing court ung dorm namin. Tapos si Hobi hyung busy sa collection niyang laruan. Si Rap mon hyung naman nagbabasa ng libro, gustong patunayan na genius siya. Si Jimin hyung, nageexercise, nagpapalaki ng katawan kaya ayun nabitin ung height. Si taehyung hyung naman, obvious ba? Syempre naglalaro, wala namang ibang ginagawa yun kundi maglaro. At ako bukod sa pinapanood sila, ee nagd-drawing ako.
"That's it! Nab-bored na ko!" Sigaw ni Suga hyung
"Try mo kayang pumunta sa court at dun ka magbasketball, baka sakaling sumaya ka pa" sabi ni Hobi hyung
"Aish! Jinjja! Nadead tuloy ako! Ang ingay niyo kasi hyung!" Sabi naman ni V hyung
"Ee lagi ka naman talagang nad-dead! Hindi ka kasi marunong" Sabi naman ni Jimin hyung
"Shh! Konting katahimikan may nagbabasa!" Sabi naman ni Rap mon hyung
"Jungkook oh, tikman mo" sabi ni Jin hyung habang sinusubo sakin ung pagkain na ginawa niya. "Masarap ba?" Tanong niya.
Tumango lang ako. Ang galing talaga ni Jin hyung magluto, nanay na nanay ang dating.
Narinig ko naman na nag sigh siya "ang gulo nila noh?" Sambit niya habang nakatingin sa ibang member. Tumango ulit ako. "Lagi naman tayong magulo ee" sabi ko, saka naglakad papunta sa gitna ng mga members
"HYUNGS!!! INUMAN TAYO!!" sigaw ko, lahat naman sila napatingin sakin, halatang nagulat sila sa sinabi ko. Wala naman masamang uminon tutal nasa legal age narin naman ako kaya pwede na.
"Wow! Kahit kailan talaga ang cool ng Maknae natin" sabi ni Taehyung hyung
"Oo nga kaya mahal na mahal ko yan si Jungkook ee" sabi naman ni Jimin hyung. Medyo nandiri ako dun aa, kahit kailan talaga ang clingy niya.
"So gay Jimin, you got no Jams" sabi naman ni Rap mon hyung. Bigla tuloy kaming nagtawanan, barado na naman si Jimin hyung.
"Ano?! tara na bumili na tayo ng soju!" sabi naman si Suga hyung na ngiting ngiti, labas na naman tuloy ung gums niya. Dali daling silang lumabas at syempre nagpahuli ako.
*Fast forward*
Pagkarating namin sa convinient store binuksan ni Rap Mon hyung ung pinto at dahil careless siyang tao, lumagabog ung pinto, buti nga hindi nabasag kung hindi baka magbayad pa kami. Pagpasok ko, nakita ko ung babae na nagpupulot ng pinamili niya. Tutulungan ko sana kaso baka makilala niya ko, kaya pinabayaan ko nalang.