[Vote and Comment]Jungkook's POV
"Hinalikan ko si Sam... Jungkook"
Nakatulala lang ako kay Taehyung hyung habang nagpapaliwanag sa ginawa niya. Hindi parin pumapasok sa isip ko kung pano niya ginawa yun... At kung bakit niya ginawa kay Noona yon...
"Jungkook! Hindi ko talaga alam kung bakit ko ginawa yon! Kilala mo naman ako, oo minsan may pagkabaliw ako pero Jungkook may respeto naman ako sa mga babae..." Sambit niya
"Alam ko hyung... Pero hyung hindi kaya... Gusto mo si Noona?" Sambit ko nanahimik siya bigla na halatang napaisip sa sinabi ko
Selfish kung iisipin pero hinihiling ko na hindi yung isagot niya kasi... Nawawalan na talaga ako ng pag asa kay Noona...
Sa mga tingin niya kay Jin hyung, yung way niyang makipagusap sa ibang members, yung bawat ngiti niya kanila hyung... Bakit hindi magawa sakin ni Noona yon?
Gusto ko lang naman yung mapansin ako ni Noona pero bakit ang hirap?
"Sorry Jungkook..." Bulong niya, umiling ako sabay humawak sa balikat niya
Sa unang pagkakataon nakita ko si hyung na sobrang nagaalala at ayokong makitang ganito si Hyung. Kahit may pagka baliw si hyung minsan, isa parin siya sa pinaka close ko, BFF nga kami neto eh... Kaya kailangan kong palakasin yung loob niya at paniwalain na ok lang ako kahit alam ko sa sarili ko na hindi...
"Hindi Hyung... Kasalanan ko lahat to, sorry hyung" bulong ko...
Oo kasalan ko naman talaga lahat, kung pinauna ko nalang sana si hyung... Kung hindi lang ako nagsuggest na sa ibang unit nalang siya maki CR edi sana hindi nangyari to... Pati tuloy si noona nadamay.
"Hindi Jungkook... Sorry kasi alam kong gusto mo si Sam pero tignan mo yung ginawa ko..." sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi ni Hyung... Natahimik ako bigla... P-pano niya nalaman?
"Hyung... H-indi totoo yan. Bakit ko naman magugustuhan si Noona?" Sambit ko, ayokong may makaalam at hindi nila pwedeng malaman lalo na si Jin hyung kasi alam kong... Gusto niya rin si Noona at mas importante sakin sila hyung kesa sa nararamdaman ko...
"Jungkook, maloloko mo sarili mo pero hindi kami" sabi ni hyung na parang sigurado sa sinabi niya.
Nanahimik lang ako, nagiisip kung anong isasagot ko pero wala akong maisip na maidadahilan.
"Ilang taon na tayong magkakasama... Maraming babae yung nagkakagusto sayo pero si Sam yung unang babaeng kinausap at pinansin mo na hindi staff. Si Sam yung unang babaeng ngitian mo, niyakap at nahalikan. Kaya kung ano man yang nararamdaman mo, sabihin mo na kaagad kasi baka maunahan ka pa ng iba" sabi ulit ni hyung
Matutuwa ba ko kasi nalaman ni Taehyung hyung? Mapagkakatiwalaan ko naman hyung diba? Ganun na ba ako kalahata sa nararamdaman ko? Kung oo, bakit hindi mahalata ni noona...
"Pero hyung... Bakit parang ang hirap? Ang hirap mapalapit sa kanya..." Sambit ko, nagulat ako nang biglang tumawa si Taehyung hyung
"Kasi hindi ka naman kumikilos Jungkook" sabi niya
"Kung gusto mong mapalapit sa kanya gumawa ka ng paraan... Hindi yung naghihintay ka na siya pa yung lalapit sayo. hindi lang ikaw yung may gusto sa kanya. Marami kang kaagaw Jungkook" dagdag pa niya.