[Vote and Comment]
[KIM TAEHYUNG]Hanna's POV
"But now i think i need to stop.." Bulong ko
Ilang araw na kong nagiisip kung kaya ko ba..
Kung kaya ko bang pakawalan at kalimutan ang nararamdaman ko kay Jungkook..
Hanggang kanina habang papunta ako dito hindi parin ako nakakapagdesisyon,
Nabuhayan ako nang makita ko si Jungkook, pero lahat ng yun nagiba nung akalain niya ako si Eonnie..
Yung saya at excitement sa mata niya nang banggitin niya yung pangalan ni Eonnie at yung lungkot na nakita ko nung ako ang nakita niya
Biglang kumirot ang puso ko..
Tama na Hanna.. Hindi nga ikaw..
At kahit kailan hindi magiging ikaw"What do you mean Hanna?" Tanong ni Jungkook na halatang nagtaka sa sinabi ko
I need to stop liking you..
Kasi alam kong iba ang gusto mo..
At isa lang akong malaking hopia na umaasa na magugustuhan mo..
"Hmm.. Nothing, wag mo nang intindihin yung sinabi ko atyaka.." Nagkunwari akong tumingin sa oras.. "kailangan ko ng umuwi, baka nagaalala na sakin si Eonnie.." sambit ko sabay takbo
Tinawag ulit ni Jungkook ang pangalan ko kaya napalingon ulit ako
"Hanna! Hindi ko alam kung nasa posisyon ako para sabihin to.. Pero kung may problema ka.. Pwede mong sabihin sakin kasi handa akong tulungan ka" sigaw niya sabay ngumiti sakin
Ngumiti rin ako sa kanya at tumango.
Pagtalikod ko' dun na nagsimula pumatak ang mga luha ko..
Pabo Jungkook!
Pano mo ko tutulungan kung ikaw ang problema ko..
At pano kita makakalimutan kung ganyan ka ka'bait sakin
Masakit </3
Yung pakiramdam na umasa ka, kasi nagkakausap na kayo ni bias pero huli na, kasi may gusto na siyang iba
Sana pala hindi nalang kami nagkakilala at gaya ngayon..
Pinagsisihan ko na nakita ko siya ngayong gabi..
Kasi ngayon bigla akong nagising sa katotohanan na wala akong pag asa sa kanya..
That I'm too desperate para mapansin niya
Samantha's POV
Asan na kaya si Hanna?
Kanina pa siya wala, simula ng dumating siya galing school hindi parin siya bumabalik!
Jusko naman~
Tinawagan ko na siya, tinext pero hindi naman siya sumasagot..
