[Vote and Comment]
--> alien <3Samantha's POV
"Eoniee! Sama ka? Magkikita kami ng mga kaibigan akong Army" pagyaya ni Hanna habang may kinakalikot sa cellphone niya
"Nope, not today." Mabilis na Sagot ko sa kanya.
Bigla niyang Kinuha yung Lays na hawak ko, tapos siya yung kumain.
"Aish! Hanna! Akin yan!" Pilit kong kinukuha yung pagkain ko pero ayaw niya talagang ibigay, sinamaan ko narin siya ng tingin.
"Sama ka na eoniee! Papakilala kita sa mga friends ko. Please?"
"No" sagot ko sabay Bigla kong hinablot yung lays ko
Sumimangot siya bigla na parang batang inagawan ng laruan, hindi ko tuloy na pigilang tumawa
"You look so.... Ugly" sabi ko sabay tawa ng malakas
"Wow ha! Ugly? Ako? Seriously eonie, malabo na ata mata mo" sabi niya
"Biro lang, ito naman masyadong seryoso" sambit ko sabay lipat ng channel sa Nat Geo Wild.
Nasa sala kami ngayon ni Hanna at syempre sala ng bahay ko. Nagpaalam kasi siya kung pwede sakin muna tumuloy, Pumayag narin ako kasi mas malapit yung school niya dito kesa sa tinitirahan niya ngayon para hindi narin hussle sa kanya atyaka gusto ko narin yung Bts kaya wala na akong problema na tumira siya dito.
"Eonie, bakit bigla kang nawala nung fanmeeting? Sayang hindi mo tuloy nakita kung pano ako tinitigan ni Jungkook tapos nagwink pa siya sakin" sabi niya na kilig na kilig sa nangyari
"Ok lang ba si Jungkook nung fanmeeting?" Seryosong tanong ko.
"Aish ikaw talaga eonie, porket nagwink sakin may problema na siya? Ok na ok kaya sya nung fanmeeting eh, ang kulit kulit niya tapos panay ngiti" sabi ni Hanna. Just looking at her face mukhang nagsasabi naman siya ng totoo...
Pero bakit hindi ako pinansin ni Jungkook nung nagkita kami? Galit ba siya sakin? Bakit umiwas siya ng tingin?
"Hanna--" naputol yung sasabihin nang may biglang mag doorbell, tumayo agad ako para makita kung sino yung tao sa labas. Pagpindot ko ng monitor nagulat ako sa nakita ko.
"Alien?" Bulong ko. Nakakagulat talaga pag alien yung nasa labas ng pinto mo pero yung alien na nasa labas ng pinto ko ngayon ay ang pinaka gwapo na alien sa universe... Si Kim Taehyung
Pero bakit siya nandito? Sinapian na naman ba siya ng ibang espirito? O baka naman pinagttripan niya lang ako.
"Hanna! Lalabas lang ako saglit ah!" Sigaw ko.
Binuksan ko yung pinto at lumabas rin ako.
"Yah, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko
"Ehehe! Pa CR Noona, natalo kasi ako sa bato-bato pik kaya ako yung last na gagamit ng cr, eh hindi ko na kaya lalabas na talaga Noona" sabi niya sabay tinakpan yung private part niya.
"Aish! Anong gagawin ko nandyan si Hanna" bulong ko nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa balikat
"Noona! Have mercyyy! Maawa ka sa gwapong mukha ko. Ki-kiss kita pag katapos please" sabi niya. Natawa nalang ako, ang cute niya pala pag natatae. May kiss pa ako, ang swerte ko naman.