[Vote and Comment]
[BTS family picture]Jungkook's POV
"Hyung, wag niyong ipagkakalat yung nakita niyo kanina ah! Pag may nakaalam non, gigilitan ko kayo ng leeg ni Jimin hyung!" Banta ko kay V hyung
"Sus. Kaya mo ba yon? Wag kang magalala safe ka sakin Jungkook" sabi niya.
Hays! Buti nalang si V at Jimin hyung yung nakakita! Kung si Jhope hyung yun siguradong lahat ng staff alam na yun ngayon
Pero Grabe talaga yung nangyari. Teka ano nga ba yung nangyari?
Ergg! Hindi ko talaga akalain na magagawa ko yon! Naninigas ako kanina nung naramdaman ko yung kamay ni Noona na yumakap din sakin. Parang tatalon yung puso ko sa saya!
Pero natorpe na naman ako kanina...
Aish! May nalalaman pa akong secret!
Seriously Jungkook!! Grow up man! You're better than this! Masasabi mo rin yan!
Pero pano? May gusto na siyang iba...
"Yah, may chance ka na kanina pero hindi mo parin sinabi. Ano ba Jungkook! Pag ako nainis, ako nalang makikipag date kay Sam!" Sabi niya
"Yah hyung! Wag kang magsalita ng ganyan! Maghanap ka nalang ng iba, madami naman diyan oh" sagot ko
Hindi ko alam pero feeling ko kalaban ko rin si V hyung sa puso ni Noona, may lihim talaga tong pagtingin kay Noona eh
"I'm on your side Jungkook pero Ang bagal mo bro!" Sabi niya
Ouchy naman! Oo na mabagal na! Eh ang hirap kaya! Yung feeling ng manigas yung buong katawan mo tapos nawawalan ng salita pag kaharap yung gusto mo! Ang hirap hirap kaya
Pag si V hyung yung nasa posisyon ko baka alien words yung masabi niya! At dahil sa sobrang wierd niya iwanan siya ng gusto niya
"Hindi ganun kadali yun hyung! It takes guts" sabi ko
"At kelan mo gustong sabihin? Pag may nagmamayari na ng puso niya?" Sabi niya
Hindi sumasagi sa isip ko yung sinabi ni hyung pero baka tama siya, sobrang bagal ko kaya walang nangyayari... Pero ano nga bang gusto kong mangyari?
"Hyung, hindi ko rin kasi alam kung anong gusto ko. Oo gusto ko si Noona pero pag umamin ako sa kanya, wala rin namang mangyayari samin diba?"
Hindi ko talaga alam, pag umamin ako, ano ng sunod? Mag ddate kami? Eh Wala akong oras makipag date dahil sa schedule namin at sigurado akong pagbabawalan ako ni manager hyung kasi baka magalit yung fans at baka mabully si Noona dahil sakin. Ayoko naman ng ganun
Tumingin ako kay V hyung, nagaantay ako ng advice niya pero mukhang sinapian na naman siya ng masamang espirito
"HWAT THE ECKKKK! JUNGKOOK ang bastos mo! Gusto mo may mangyari agad sa inyo? Ha!?Anong balak mo kay Sam!? wag mong gagawin yan Jungkook sinasabi ko sayo! Masyado ka pang bata! Magpractice ka muna!"
This guy is abnormal, seryoso walang halong joke!
"Sira ka talaga hyung!!!! Wag mo kong itulad sayo ah!" Sigaw ko