STCP 25

1.3K 54 20
                                    

[Playing Miss Right while writing this]

[Happy 17k reads]

[Thank you Everyone :D]

Jungkook's POV

Nagising ako na parang may pumalo sa ulo ko dahil sa sobrang sakit, nung umupo ako mas lalo pang sumakit at ramdam ko parin yung hilo hanggang ngayon

Ito yung unang beses na nalasing ako, hindi naman kasi talaga ako uminom pero ngayon kailangan dahil sila hyung pinipilit si Noona na uminom at ayoko na uminom sya kasi baka kung ano pang mangyari sa kanya

Tumingin ako sa paligid ko.. Sila hyung kanya kanyang paraan ng pagtulog, mukhang ok naman sila at komportable.. Napansin ko na may nakapatong na kumot bawat isa samin, sigurado akong si noona yung naglagay ng mga kumot pero nasan kaya sya?

Kahit medyo nahihilo pa ko, sinubukan kong tumayo.. Kailangan ko kasing uminom ng tubig kasi parang nanunuyot yung lalamunan ko atyaka ang sakit ng tyan ko..

Nasa kusina na ko nang biglang lumabas si Noona sa kwarto nya..

Nakapantulog na sya pero ganun parin yung itsura nya.. Maganda parin sya

Nung nagtama yung mga mata namin ngumiti ako sakanya pero sya parang nagulat at nahiya, hindi ko alam kung dahil sa suot nya o dahil nakita nya ko?

Lumapit sya saka kumuha rin ng tubig..

Hindi sya nagsasalita at parang iniiwasan yung tingin ko

Galit ba sya sakin? Ang weird ni Noona ngayon..

"Noona?"

Bigla syang humarap sakin na parang ikinagulat pa yung pagtawag ko sa kanya

"B-bakit Jungkook?" Utal na sagot nya

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ko

Bigla syang umiling sabay umiwas ulit ng tingin

"Iniiwasan mo ko eh" sambit ko

Umiling ulit sya sabay uminom ulit ng tubig

Sinasabi nya na hindi pero halata naman na Iniiwasan niya ko.. Pero bakit? May nagawa ba akong masama?

Hindi kaya..

"Noona.. Dahil ba hindi ko natupad yung sinabi ko kanina na hindi ako iinom? Ayoko lang naman na may mangyaring masama--"

Natigil ako nang biglang humarap sakin si Noona, nakatingin lang sya sakin.. Mata sa mata na parang binabasa kung ano yung nasa utak ko..

Sya lang naman yung laman utak ko ngayon, alam nya kaya yon? Hmm

"Wala kang naaalala?" Biglang tanong nya

Naaalala? Teka may nakalimutan ba ko? Ano bang meron ngayon?

Tumingin agad ako sa cellphone

Sunday 12:46

Ano bang meron ngayon bukod sa may practice kami mamaya? hmm...

"Wala ka talagang naalala?" Tanong ulit ni noona na parang nagtataka na sakin

Umiling ako "May nakalimutan ba ko noona?" Bulong ko

Nagulat ako nang bigla nya akong titigan sabay nilapit nya yung mukha nya sakin.. napaatras tuloy ako, biglang bumilis yung kabog sa dibdib ko.. hindi ko alam kung anong nangyayari kay Noona, nakainom ba sya? pero kanina sigurado akong hindi pero bakit ganito yung kinikilos nya..

Stupid Cupid [BTS fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon