[Vote and Comment]Samantha's POV
Sabado!
Araw ng group study namin nila Jimin at V, yung araw na akala ni Jungkook na date namin ni Jimin.. Akala nya tuloy si Jimin yung gusto ko hehe
Nagising ako ng maaga para mag grocery ng kakainin namin mamaya, nag text kasi sakin si V na after lunch sila makakapunta, kaya snacks lang yung bibilhin ko
Nakasave na sa phone ko lahat ng number ng Bangtan.. Binigay sakin ni Jungkook yung number ng hyungs nya tutal malapit naman na daw ako sa kanila. Natuwa ako nung narinig ko yun kasi sino ba naman magaakala na magiging malapit ako sa kanila diba?
Magkasama na ulit kami ni Hanna sa bahay, after naming manuod ng practice ng Bangtan dito na sya umuwi.. Pero hanggang ngayon hindi ko parin nasasabi sa kanya yung samin ni Jungkook
Tuwing susubukan ko kasing ikwento biglang may nangyayari. Kung hindi tutunog yung phone nya, may mag ddoorbell
Alam nyo yun, parang ayaw talaga ipakwento sakin. Kaya hanggang ngayon ramdam ko parin yung 'gap' na mayroon samin ngayon ni Hanna.
Madalas ko na ring hawak yung phone ko kumpara dati.. madalas kasi kami magkatext ni Jungkook.. 4 days palang kami pero pakiramdam ko sobrang tagal na namin dahil sa magdamag kaming magkatext, hindi na nga ako nakakatulog minsan kaya zombie mode ako lagi sa classroom hehe..
At ngayon, Sobrang excited ako kasi wala silang schedule, kaya may chance kaming magkita ngayon.
Pero Hindi lang naman si Jungkook yung namimiss ko pati narin yung makukulit nyang hyungs, sobrang miss ko na rin
Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni Hanna. Kinuha nya yung pinamili ko at sya na nagbitbit papuntang kusina
"Eonnie! Totoo talaga na pupunta sila V at Jimin dito?" Tanong nya na halatang excited
Tumango ako
"Sasama ba si Jungkook?"
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung narinig ko yung pangalan ni Jungkook. Halata sa kanya na gustong gusto nya si Jungkook, kaya ito na naman ako, sobrang nakokonsensya sa tuwing mapaguusapan namin sya
"H-hindi ko rin alam eh" utal na sagot ko
"Ah ganun ba" sabi nya at bigla na naman kaming natahimik
Naging busy si Hanna sa phone nya habang ako nakukunwaring nagaayos ng pinamili ko pero ang totoo nagmamasid ako kay Hanna
Nagulat ako ng bigla syang tumingin sakin, nagtama tuloy yung mata namin kaya napaiwas ako
"Eonnie? May gusto ka bang sabihin sakin? Kanina ko pa kasi napapansin na tumitingin ka sakin ii" sambit nya
Umiling agad ako "W-wala,wala" sambit ko
"Sigurado ka Eonnie?" Tanong nya ulit, kaya tumango lang ako, pagkatapos nun umilis na sya
Aish! Bakit ba hindi ko pa sinabi sa kanya!
Ilang oras ang nakalipas narinig ko na tumunog yung doorbell, galing sa kwarto tumakbo agad ako para buksan yung pinto, Inaasahan ko na si Jimin at V lang yung pupunta pero tumambad sakin yung buong Bangtan