Jungkook's POV
Kakatapos palang ng fansigning namin ngayon, nakakapagod pero para sa army kakayanin. Ganun naman talaga diba, kung para sa mga taong importante sayo gagawin mo lahat. Nasa van kami ngayon papunta sa bighit para mag practice. gusto kong matulog at magpahinga pero sila hyungs ang ingay, kaya walang chance na makatulog ako.
"Guys nakita ko na kanina yung pangarap kong babae!" Sabi ni rap mon hyung. Lahat naman ng hyungs nakinig sa sinabi niya syempre pati ako, nacurious din ako kung sino.
"Naalala niyo ba yung babae na nakaheadband na parang pusa, yung nakaconverse na kulay pula tapos naka jeans? kaso mukhang si V yung gusto niya... Yung wristband niya kasi pangalan ni V yung nakalagay! Bweset ka talaga alien" sabi ni rap mon. Bigla naman nagtawanan yung members pati ako. Na hopia si Rap mon Hyung, mukhang badjao kasi ii
"Aww hyung! Pogi problem" sabi naman ni V hyung.
"Rap mon naalala ko yang babaeng yan" sabi naman ni Jhope hyung
"Ako din, feeling ko nga nasa heaven na ko nun ee" sabi naman ni Suga hyung
"Aa ako din! Sinabihan pa niya nga ako na ako daw yung PINAKA gwapo sa lahat HAHA" sabi naman ni Jimin hyung. Lahat naman nag disagree,
"Boo jimin! You still got no jams" sabi ni rapmon.
Nagtawanan lang kami pero napansin ko na hindi nakikisali samin si Jin hyung. Ano kayang problema niya.
Nagpatuloy lang sila sa paguusap hanggang sa di ko namamalayan na nakatulog na pala ako, pag gising ko napansin ko na tulog yung ibang members maliban kela Jin hyung at Jhope hyung na mukhang seryoso yung pinaguusapan.
"Hyung, siya ba talaga yun? Wow parang nagiba itsura niya aa! Maganda na siya dati pero kanina sobrang ganda niya" sabi ni Jhope hyung
"Oo siya yun, akala ko nga nakilala niyo rin siya. Sabi niya sakin secret lang daw yun pero dahil may tiwala ako sayo ayan sinabi ko na" sabi naman ni Jin hyung
"aish! di ko talaga napansin, pero hyung umamin ka, gusto mo siya no?" tanong si Jhope hyung
"Yeah hobi pero sabi nga ni Rap mon mukhang si Taehyung ung gusto niya, kaya mukhang mahihirapan ako dun" sabi naman ni Jin hyung
"Pero alam mo, kanina habang nauusap kami, nabanggit niya rin si Jungkook, kaya nga medyo naguluhan ako kung sino ba talaga yung gusto niya. She's more like concern kay Jungkook, i dont know maybe gusto niya rin sa Jungkook" sabi ulit ni Jin hyung.
Sino ba pinaguusapan nila at pati ako nadamay? Gusto ako yay mukhang maganda yun aa gusto kasi ni Jin hyung. Matinik pa naman sa chix tong si Jin hyung sigurado akong maganda yun.
"Pero Hobi- kahit sino pa gusto niya, di ako susuko agad. Kaya sana magkita ulit kami at maging close para maligawan ko na siya" sabi ni Jin hyung.
tahimik lang akong nakikinig sa kanila, pilit kong inaalala yung mukha ng mga fans kanina pero wala akong matandaan. Sobrang pagod kasi ako kaya di ako nakafocus sa lahat pero may isang fan akong naalala. si Hanna... yung makulit na halos ayaw nang bitawan ung kamay ko >.< tapos parang rapist kung makatingin sa lips ko. grabe parang gusto niya kng lamunin kanina. Haha buti na nga lang natapos agad si Jimin hyung kaya ayun umalis na siya.
"Jungkook kanina sabi nung isang fan may mangrrape daw sayo" sabi ni jimin hyung habang nakapikit.
jusko baliw na ata tong liit na to, nagsasalita ng tulog! hanep.
"ano hyung?! Rape? ako rrapepin? Sino?" sabi ko kay Jimin hyung pero di siya sumagot, ngumiti lang siya tapos natulog ulit. aba matinde
"Jungkook!! bangag na yan si Jimin kaya wag kang maniniwala dyan!" sabi ni Jin hyung
"aa--- osige hyung" sabi ko kaya Jin hyung. hindi ko alam pero i feel something fishy kay Jin hyung hays.
Bago kami makarating sa Bighit nagyaya muna sila hyungs na magcoffee kaya bumaba muna kami sa isang fancy na coffee shop. mukhang masasarap yun mga cookies and cakes nila kaya nagunahan sila hyungs. Kala mo di nakain ng isang taon...
naupo lang kami sa table habang nakikinig ng music, kasama ko sila hyungs tapos si manager hyung ung nagoorder.
habang naghihintay kami may napansin akong pamilyar na mukha. tinignan ko sila hyungs at nakatingin rin sila dun sa dalawang babae.
"Jungkook! siya yun diba?" tanong ni Jimin hyung.
"oo hyung, si noona... samantha noona" sabi ko kay jimin hyung.
tatayo na sana ko para lapitan at batiin sila pero naunahan ako ni Jin hyung. lumapit siya kela noona, yung kasama ni noona parang natulala nung nakita kami, si noona naman ayun ganun parin... maganda parin...
"A-aa Hello, Im Samantha and this is Hanna, bestfriend ko" sabi ni noona. tumayo sila hyung tapos kinamayan silang dalawa. jusko dumadamoves sila hyungs.
kumaway lang ako kay noona tapos dun sa kasama niya na nakilala ko na! siya yung babae sa fansigning na grabe makatingin.
"Dito nalang kayo Sam, ok lang samin" sabi ni Jin hyung na mukhang sinangayunan naman ng iba.
"Ha! hindi na ok lang kami, atyaka may bibilhin lang talaga kami dito" sabi naman ni Noona
"asus nahiya ka pa! ok lang yan dito ka nalang" sabi naman ni Suga hyung na inalalayan pang umupo si noona sa upuan niya, pati si jimin hyung pinaupo rin yung Hanna na katabi ko na ngayon. Nako loko talaga tong liit na to, kitang may pagnanasa sakin tong hanna ee tinabi sa akin.
"hi jungkook!" sabi ni hanna na abot tenga yung ngiti
"aa hello" sabi ko.
"alam mo bang fan na fan mo ko. pati nga si Unniee nagagalit na sakin sa sobrang adik ko sayo" sabi niya.
"nagagalit? bakit nagagalit?" tanong ko
nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin tapos bumulong
"aa bukod kasi sa ayaw niya sa inyo, napapabayaan ko rin kasi yung pagaaral ko haha pero dati lang yun ngayon hindi na haha" sabi niya
aww ayaw samin ni noona :( pero bakit? magaling naman kami aa
"A-aa ganun ba." yan lang nasabi ko. siguro kailangan ko pang galingan para magustuhan na kami ni noona.
"sino palang hinihintay niyo dito? dont tell me may kadate kayo" tanong ni Suga hyung na parang pinopormahan na si noona.
"Haha wala kaming kadate actually bibili lang sana kami ng cake, ito kasing si unnie nagccrave sa bake ng mommy niya kaya ayun pumuta kami dito." sabi ni Hanna
"Kasing sarap siguro ng Bake ng mama mo yung cakes dito!" sabi ni Jhope hyung
"Hindi, mommy ni unnie yung may ari neto" sabi ni Hanna.
nalaglag panga namin sa narinig. miski ako nagulat di ko akalain na ganito kayaman si Noona, ang simple niya lang kasi wala pang arte sa katawan pero ang yaman pala. nakakainlove tuloy.
"Ano ka ba Hanna! Haha! mommy ko lang mayari hindi ako" sabi ni Noona na mukhang nahihiya. Cute :)
nagtuloy tuloy lang yung usapan hanggang sa oras na para umalis kami, nakakabitin yung oras pero masaya naman, pinabaunan pa kami ng mommy ni noona ng cakes and cookies, nakakahiya pero masarap kaya wala ng hiya hiya
"Bye Bangtan! hanggang sa muling pagkikita" sabi ni hanna
"Salamat sa inyo ah. Bye" sabi ni noona. nakatingin lang ako kay noona sakto namang tumingin din siya kaya ngumiti ako. nagwave siya sakin kaya nag wave din ako.
Sa totoo lang gusto ko kunin yung number ni noona kaso nahihiya ako. kaya next time nalang kung may next time pa...