[Vote and Comment]
Samantha's POV
"Pwede ba kitang mahalin?"
Lumapit sya sakin, sinubukan kong kurutin yung sarili ko kasi baka panaginip lang ang lahat, pero naramdaman ko yung sakit at yung kamay niya na nasa balikat ko na
"Noona.."
"Sorry Jungkook.. Kailangan ko na talaga umuwi may klase pa pala ako bukas" paalam ko sabay mabilis akong naglakad
hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung tama ba na iniwan ko lang sya dun sa rooftop na magisa, ang alam ko lang kasi.. parang panaginip lang ang lahat.
alam kong pagsisihan ko na hindi ko sinagot yung tanong nya, bakit ba hindi ko masabi na OO! Na gusto ko sya! Na pwedeng pwede niya kong mahalin!
Bakit ba napakaduwag ko pag dating sa nararamdaman ko sa kanya..
"Aish! Samantha! Ano bang ginagawa mo?!" Sambit ko sa sarili ko
Pagpasok ko sa bahay, sinilip ko muna si Jungkook kung sumunod siya sakin pauwi pero ilang minuto na akong naghintay wala parin siya
Nasan na kaya yon? Baka kung ano ng nangyari dun?
Pagkatapos ko syang iwan, ito ako sobrang nagaalala sa kanya! nababaliw na ata ako
Lumabas ulit ako para sundan si Jungkook pero nasa hallway palang ako nakita ko na siya, nakayuko syang naglalakad.. Pero agad niya akong napansin kaya nagtama na naman yung mga mata namin
Nakahinga ako ng maluwag pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano sya kakausapin at haharapin dahil sa nangyari
huminto sya sa harapan ko, yumuko ako kasi hindi ko sya kayang tignan sa mata dahil nahihiya ako sa pagiwan ko sa kanya pati sa hindi ko pagsagot sa tanong niya...
"S-sorry noona.. Sorry sa nasabi ko kanina, pero seryoso talaga ako sa nararamdaman ko.. Gusto talaga kita noona."
Palihim akong tumingin sa kanya, seryoso yung mukha nya at namumula yung pisngi nya
"noona,, hindi naman ako nagmamadaling hingin yung sagot mo. Ok lang kahit abutin pa yan ng ilang taon, maghihintay ako.." sambit nya
dug.dug
Mas lalo akong hindi makapagsalita sa sinabi niya. Aaminin ko, kinikilig ako kasi yung sinabi ni Jungkook ang pinaka sweet na narinig ko buong buhay ko.
"Kaya noona please, give me a chance to prove it.."
Huminga sya ng malalim at mas lumapit sakin. hinawakan nya yung dalawa kong kamay at tinignan ako mata sa mata
"Let's date noona.."
.......
kung gaano kabilis yung tibok ng puso ko kanina mas lalo pang bumilis ngayon
doble... triple ang bilis..