31st Paper

2.6K 67 3
                                    

31st Paper
Fine Wherever

Magandang maganda ang gising ko. At kapag maganda ang mood ko ay talaga namang napapakanta ako. Pagkagising ko ay diretso ako sa harap ng salamin.

Napatawa ako sa suot kong duster na sexy body na naka-bikini ang disenyo. Dapat pala ay ito ang isinusuot ko kapag nasa beach kami. It'll spare me from unconscious gestures from wearing a two-piece. But then again, hindi nga pala ako nagsusuot ng ganoon.

"Ha ha ha!" I laughed sardonically at my reflection. "I'm sexy as hell."

Kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog. Sugarland came out. Kinuha ko naman ang hairbrush ko para gawing mic. And there I go dancing like a pro while singing.

Last night was magical. May kung ano sigurong nakain si Drian para maging ganoon siya sa akin. I don't know what it is but I am grateful for it. I should buy loads of it, you know. Just in case his head went crazy again.

"And I kno-oooh, I'm never letting this go-ooh!" Kanta ko. Such a happy day!

"Woah oh, woah oh, stuck like a glue! You and me baby we're stuck like a gloooooo!" Nakapikit pa ako habang kumakanta. Napamulat na lang ako noong marinig kong nagbukas ang pinto ko.

Itinikom ko nang mabilisan ang bibig ko nang makita ko si Drian. I noticed his half-open lips and his shocked eyes. Ibinato ko ang hairbrush sa kama at itinago ang dalawa kong kamay sa likod ko.

"Sorry. Akala ko may nangyari sayo. You were shouting." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, and his eyes went big as well. Namula siya at napailing. "I mean, singing. But! But I thought you were shouting."

Natawa ako. I wasn't offended, I am humiliated of him. Hindi ko naman natantsa na maririnig ang boses ko sa ibaba. Depende na lang pala kung nasa kwarto siya na katapat lang naman ng akin.

"Sorry." It was my turn. Naalala ko na umaga pa lang at siguro ay nagising ko siya. "Did my shouting wake you up?" Ngumiti ako.

"Do you think your shouting woke me up?" He smiled the same. He's at it again. Natawa kami parehas.

"Hindi ko alam because truthfully, I wasn't shouting, dear friend." Tinaasan ko siya ng isang kilay habang di nawawala ang ngiti na parehas naming suot.

"Then I guess you have it there. Your singing has awaken me and now you're gonna have to clean the house with me, dearest friend." Sumandal siya sa frame ng pinto at humalukipkip. He wore this challenging face upon declaration.

It's actually just now that I have realized we're going to clean the house together. For all the months we lived here, we cleaned our rooms indifferently of one another, and the remaining parts of the house by schedule.

"It's not as hard as any of my subjects so why not?" Ginaya ko ang kanyang paghalukipkip at tinarayan ang ekspresyon. "Magpapalit lang ako at kakain ng breakfast."

I pushed him out of the way so I could get the door closed. Muli na namang naka-chansing ang kamay ko sa dibdib niya. Shucks!

Tinanggal niya ang kamay ko at hinigit ako palabas ng kwarto ko. He even closed the door himself. Tumitig siya sa akin, halatang pinipigilan niya ang ngiti niya.

"'Wag ka nang magpalit. We're only gonna waste time."

Is being handsome his job 24/7? God. Ang unfair!

Kumakain ako. At para sa akin ay hindi pag kain ang ginagawa ko ngayon. Sobrang piit ako sa galaw at kulang na lang ay kumain ako nang nakatikom dahil hindi ko maibuka ang bibig ko.

"It's rude to stare. Lalo na sa taong kumakain." Ibinaba ko ang kutsara't tinidor. Pinanliitan ko siya ng mata nang nagsimula siyang tumawa.

Nakapangalumbaba siya habang nakatitig sa akin. He's been like that since I began eating. I couldn't tell if I'm flattered or I'm inundated by his constant attention. I'm not saying I don't like it but I definitely need a breather!

"Come on. Eat. Pinaghihintay mo lang ang mga gawain." He said. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Alright, then."

Tumayo siya. Good. Nakahinga ako. I need him away from me for a minute or two. Or not. Akala ko ay aalis na siya ngunit nandito na siya sa tabi ng kinauupuan ko. Kinuha niya ang kutsara ko at sunod na nilagyan iyon ng piraso ng omelette. Lumipad ang kutsara sa tapat ng bibig ko.

"Say ah now, friend." He said ridiculously. Mahirap magpigil ng tawa pero sinusubukan ko. What's up with this guy?

"Friends don't do this to their friends, unless they're disabled. And I know for a fact na hindi ako disabled." Nang umakma akong kukunin ang kutsara sa kanya ay inilayo niya iyon sa akin para pigilin ako. Umiling pa siya.

"Yeah, but we're not that kind of friends. Iyon na lang ang isipin mo. So you open your mouth now, friend."

Napairap ako nang malumanay. Pilit niyang idinidiin ang salitang friend. Magkaibigan na ba talaga kami? Hanggang magkaibigan na lang ba talaga kami?

Ang gulo ko. I don't know what I exactly want. All I know is that I like Drian. Always have and always will. Although I'm still trying to figure out up to what extent.

"Hey, do you know about that dance competition Sien and Mae is competing into?" Tanong niya. Ngayon ay siguro nasa pangalawa sa huling subo ay mauubos ko na ang umagahan ko. Hindi niya pa rin tinitigilan ang kalokohan niya.

"Iyong sa Tagaytay?" Tanong ko. Sinagot niya ako ng tango. He's stirring my hot chocolate. "They're both actually inviting me. In fact, almost all of their friends are invited."

"Sabay na tayo?" Alok niya.

"Malayo pa naman iyon. Maybe sa katapusan pa ng October."

Bukod sa pagaaral namin nina Mae nitong second year ay pagsasayaw ang sumunod niyang prioridad. Hindi naging sagabal sa pagaaral ang pageensayo niya sa bawat kompetisyon, maliit man o malaki. Bagkus ay iyon pa ang nagudyok sa kanya para mag-aral nang mabuti. She knows the consequences of failing, and she knows exactly how she doesn't want to face those.

"Okay. Pero sabay tayo?" Kung hindi ko pa siya titignan ay hindi ko malalamang seryoso nga siya. Natawa ako.

"Yes, friend. Sabay tayo." Nangiti siya.

Nagsimula ako sa gawaing bahay, inuna ko ang paguuro habang si Drian naman ay kumukuha ng mga materyales at tools na gagamitin namin. Nang matapos ko ang lahat ng urungin ay tumulong ako kay Drian sa sala.

"Sabay na lang tayong mag-walis. Ako sa sala, ikaw sa kusina." Sabi ko. Kinuha ko ang walis at nagsimula nang umaksyon. Hindi kumikilos si Drian nang lingunin ko siya. "Ako na lang ba sa kusina?"

"I like your idea. But unfortunately, we have only one of this." Hinawakan niya ang walis habang hawak ko ito. "And I can't definitely mop the floor while you're cleaning. So if you don't want me idle then I guess we're gonna have to do this together." Pumuwesto siya sa likuran ko, habang hawak ang kamay ko na nakahawak sa walis ay kumilos siya para simulan ang trabaho.

Gustuhin ko mang kumilos kasabay ng pagkilos niya ay hindi ko magawa kaagad. I pulled my head back a little so that I can smell his morning scent. I inhaled some of him and I couldn't help but admire how his sweat smells nice. It's like his sweat deserve some kind of a name in a perfume line.

And his gestures? It's making me crazy! It kept me thinking what could possibly happened to him to act like this towards me. Last time I checked, I did nothing. Kahit halughugin ko pa sa kasuluksulukan ng brain ako ay wala. Wala talaga.

"Good heavens, mabigat ka, Jesca. Why don't you move as well, yes?" Hirap niyang sabi. Natawa ako nang malakas.

Lumayo ako dahil hindi ako makahinga. I'm uneasy but not much. Umiling siya at natawa na lang din. Siya na ang nagsimula ng pagwawalis.

"Bago ko nga pala makalimutan, may lakad daw tayo bukas o sa isang araw."

"Saan?"

"I think they wanted to go swimming, especially Nil. But I don't care, you know. As long as my friend comes, I'll be fine wherever." Kinindatan niya ako at tsaka umiwas. Bakas na bakas pa rin sa kanyang labi ang malapad niyang ngiti.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon