8th Paper

2.6K 79 0
                                    

8th Paper

What Happened

Akala ko ay ihahatid lang ako ni Drian sa bahay dahil wala naman siyang gagawin doon. Unless ay miss na niya nga talaga ang beauty ko. Noon namang sinabi niyang kakausapin kami nina mama at Tita Lai ay kinabahan na ako. Nakita kong nakaparada rin ang sasakyan ni Tito Dict sa labas, and so my mind started thinking all the worse scenarios this day could offer me.

Wala naman siguro akong nagawang kasalanan, ano? Naging mabait naman akong bata at kailan ma'y hindi nagnakaw. Pwera na lang kung pwede bang manakaw ang puso at damdamin ni Xih. Ahihihi.

Okay, Jesca, be serious!

"Remember what I told you about telling what you want for yourself?" Napatigil ako sa biglaang tanong ni Drian.

"Hmm." Tinignan ko siya para sabihing ituloy niya ang sasabihin niya.

"'Wag mong kalimutan iyon ngayon. Whatever happens today, make sure it will be of your satisfaction."

Nauna siyang pumasok ng bahay habang ako ay na-estatwa sa kinatatayuan ko. Ano na naman nga ba ang paguusapan ngayon? Base sa sinabi ni Drian ay parang may kinalaman iyon sa pagko-kolehiyo naming dalawa at ang isyu ng pagtira namin sa iisang bahay.

Una kong narinig ang masaya at malakas na pagtawa ni mama pag bukas ko ng pinto. Nakahinga ako nang maluwag doon. Siguro naman ay hindi nila ako pagagalitan ngayon dahil sa kung ano mang bagay. Masyado lang akong nagiisip ng kung ano ano.

"Game! Game! Eto na si Jesca, mag usap usap na kayo nang makaalis na ako." Ani Kuya Jarvy. Nandito pala siya. Ang akala ko ay mga matatanda lang ang narito para sa paguusapan, pero nakita ko rin si Nil na nakaupo sa tabi ni Drian.

"Jesca, kumusta?" Tanong ni Tito Dict. Lumapit ako sa kanya para humalik sa pisnge.

"Healthy as ever." Nahawa ako sa ngiti ni Tito Dict. Isa siya sa walang sawang sumusuporta sa pagiging healthy ko. Kung ang mga mama ko at kaibigan ko ay tinutulak akong magpa-sexy para raw sana maakit ko si Drian ay iba si Tito. Gustong gusto niya akong niyayakap noong bata pa ako dahil sa lusog ng katawan ko. Natutuwa naman ako dahil may nagmamahal din pala sa fats ko.

"O, Jesca, halika na rito nang makapili ka na ng damit." Pag tawag sa akin ni Tita Lai. Tumayo sandali si mama para kumuha ng merienda. Bigla namang napakulo ang tiyan ko at the sound of food.

Narinig ko ang pabahagyang pagtawa ni Drian. Nang tumingin ako sa kanya ay nakangisi siya sa akin. Weh? Narinig niya iyon? Grabe naman nga talaga ang lukso ng dugo naming dalawa. E kung si Tita na katabi ko ay tila walang narinig, bakit siya meron? Kinilig naman ako!

"Kung wala kang magugustuhan, maghahanap ulit ako ng panibagong designs. O kaya naman ay sa designer na tayo magpapagawa mismo."

Inilipat lipat ko ang pahina ng brochure na ibinigay sa akin ni Tita Lai. Magaganda ang nandito kaya lang pam-payat. Ayoko namang mag-gym para lang sa Graduation Ball. Isang gabi lang naman iyong mangyayari tapos ano? Ilang weeks ng pagji-gym? Ayoko.

"E, Tita, next week na po ang Grad Ball. Hindi ko na po kakayaning mag-gym."

"Hindi uubra ang gym sayo." Nakangising kontra ni Drian mula sa kabilang upuan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Drian Xih!" Suway ni Tita sa kanya. Tumawa lang iyon at umiling iling bago bumalik sa pagbabasa ng magazine. Sht. FHM ba iyon?!

Dumating si mama na may dalang cupcakes na mukhang kagagaling lang sa oven. About time! Gutom na ako. Kung wala lang sanang usapang ganito ay nakapag-101 na sana ako. Miss ko na pa naman ang hotdog sandwich na may chili cheese. Pero sige na nga, I'll settle on this for now.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon