34th Paper
CrushThe idea of Drian taking me to Summeridge isn't really something new, but it's still strange yet very familiar. Tutulog tulog ako sa sasakyan habang nasa byahe dahil hindi ako nakatulog kagabi. Thinking about Drian kept me up late last night. I hadn't got mad like this before but I guess things were really changing.
"Sabay na rin tayong uuwi, alright? You text me your dismissal and I'll text you mine." Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Busy siya sa pag-type sa phone niya.
Nakita kong nakaabang sina June at Khean sa walkway. They were just two of the friends Mae and I met in second year. Hindi na nila ako hinintay makalapit sa kanila at sinalubong na ako. Parehas din silang naka-civilian habang ako ay proud ng naka-uniform.
"Nasaan sina Mae?" Tanong ko. Naging anim ang kaibigan ko simula ng makilala ko sila, Mae including. Iyon nga lang ay kadalasan ay sa klase lang kami nagkakabuo.
"Baka nasa best friend niya, o dance mates. We wouldn't really know." Sagot ni Khean.
"Wala kaming rehearsal ngayong araw." Singit ni June. Kasama nga pala siya sa binuong grupo ni Mae ng mga dancers para makasali sa dance contest kapag Rhythm Week. It's usually by the end of semester.
Malapit na ang oras bago magsimula ang una naming klase, nagmadali kami sa paglalakad dahil sa MedTech ay hindi uso ang chill sa first day. Naranasan na kasi namin iyon noong second year nang maraming beses at ngayon ay masasabi ng lahat na nadala na kami.
Maraming freshies ang nakasalubong namin at nagtatanong ng mga direksyon. Binigyan namin sila ng kaunting oras para tumulong.
"Liz, nakita mo si Mae?" Tanong ni June sa estudyanteng nakasalubong namin. She looked like a usual sophomore.
"Yep! Kaka-confirm ko lang po ng schedules ng rehearsal natin, naiwala ko po kasi ang planner ko." Paliwanag noong Liz.
We still have five minutes before time, but right now it felt like it didn't matter. Hindi naman siguro magde-deduct kaagad ang professors sa pagiging late. Magkalapit kami ni Khean na nakikinig sa usapan ni June at ng kasamahan niya sa pagsasayaw tungkol kay Mae.
"Kasama niya nga pala iyong member ng Fiery Heroes. Siyang pinaka-hot sa kanila pag nagsasayaw?" Nagbigay pa ng ilang adjective si Liz. But it's understood from the beginning that it's Sien.
"'Wag mo iyong ma-hot hot, Liz!" Bitter na suway ni June. Hindi namin napigilan ang pagtawa ni Khean. Some of their dance mates are bitter about Fiery Heroes, the dance group Sience is in. They looked at them as some kind of system needed to be shut down. I'm not telling this to Mae, but their so-called mission is a trash. Fiery Heroes are pretty popular in and outside the university. They have to not just be better than them, but they have to turn into guys and look cooler to get things accomplished.
Sa labas na ng room namin nadatnan sina Anica, Ecka at Anj. Mae is still missing in action. Nang tanungin naman namin ang tatlo ay wala silang alam. We knew she's with Sien but it's still a wonder what could her business with Sien be.
Walang professor na dumating sa unang subject. Nakaligtas si Mae dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Panay ang isip nila ng plano kung ano ang pwedeng gawin mamayang uwian. Hindi sila magkasundo dahil sa pagkainis ni Anica sa schedule.
"Nasasayang ang oras ko pag walang dumadating na prof. Sayang ang bayad. Uuwi na ako mamaya, no hang out for me." Anica announced.
Naalala ko si Drian nang makalabas kami ng room. Sinabi ko sa kanya ang oras ng uwian ko. Kinumpirma ko pa kung sabay pa rin kaming uuwi.
"Baka umuwi kaagad ako mamaya." Sabi ko sa kanila.
"Let's chill for a little, Jesca. Ang kill joy na nito!" Umirap sa akin si Ecka.
BINABASA MO ANG
MASH Romantic (Chase Series #2)
RomansNicole tried doing Mash on their names. For her, it turned Sweetheart. For Drian, it's Angry. Pero loko-loko yata ang tadhana dahil lahat yata ng nasa MASH na ito ay naranasan nilang dalawa. They almost got (M)arried and he was (A)ngry. Then he sudd...