9th Paper

2.7K 67 1
                                    

9th Paper
What

Hindi ko alam kung para saan pa iyong tiningnan naming gown designs kahapon kung ngayon ay may damit na pala akong isusuot para sa Grad Ball next week.

"Magkasukat naman tayo kaya di na ako nahirapan. At tsaka, ito naman 'yong gusto mong damit na nakita natin sa mall. Try it on so we can visit some Tailor later if there's a need for adjustment."

Ibinigay sa akin ni mama ang baby pink na cocktail dress na nakita ko noong nag-mall kami no'n. Hindi ko naman alam na ibibili pala talaga sa'kin 'to ni mama dahil miske ako ay naiklian sa length. Pero nagandahan lang ako sa kulay, isa pa ay simple lang ang disenyo ng damit. Pa-tube ito at may 

"Ma!!!" Napapadyak ako palabas ng bathroom pagkasuot ko ng damit. "Ang ikli pala! Ayoko na nito. Ikaw na lang ang magsuot!"

"Nando'n si Drian! 'Wag kang maginarte, Jesca Nicole dahil naku!" Bahagyang pinisil ni mama ang tagiliran ko at ginitgit paharap sa salamin. "Maayos naman ah?"

Umikot ang mata ko. Wala na akong magagawa. Ito na ang ipapasuot sa akin ni mama. Dapat pala ay isinukat ko na muna 'to noon bago ko nasabi kay mama na gusto ko.

Huling linggo na namin ito sa high school dahil sa susunod na linggo ay magtatapos na kami. Ang pagpunta na lang namin sa school ay dahil sa cotillion rehearsal at sa school affairs.

Last na rehearsal na namin ito, hinapit lang dahil sa amin na huling batch. Hirap na hirap akong kumilos. Hindi dahil sa mga steps sa sayaw; nasubukan ko na kasi iyon nang partner si Matthew at wala namang problema. Ayoko nang isipin pero evident na ang rason.

"I hope you'll do good tomorrow." Drian said as soon as the last note of the song died down. "Are you going to wear high heels?"

Dahil sa itinanong niya ay naalala ko kung gaano kataas ang heels ng puting sapatos na ibinili sa akin ni mama. Mapapa-ohmaygarsh talaga ako eh. Mabuti na lang at gwapo ang partner ko. I wouldn't really mind falling onto him. Heehee!

Tumango ako. "O-Okay lang ba?"

Nagkibit siya ng balikat. Walang ekspresyon ang mukha niya. Kitang kita ko ang pagkinang ng pawis na nasa noo niya ngayon. Ang buhok niya ay tila basa dahil sa pagsasayaw. It didn't make him look less handsome. Sa puti niyang ito ay lalo pa iyong na-compliment dahil sa sikat ng araw.

"Nandito naman ako. Aalalayan na lang kita. Kaya mo ba?"

"K-Kakayanin. Heh." Tumawa akong kaunti. Mukhang nahalata niya ang pagkanerbyos sa tawa ko. 

"Kaya kitang saluhin. Lagot ako kay Tita Ciela." Tumawa siya.

Kakayanin ko naman talaga, wala namang hindrance-WAIT TUMAWA SI DRIAN? DAHIL SA AKIN? Wala akong pakialam kung dahil natatawa siya sa akin o natutuwa pero basta tumawa siya.

Ganito pala nararamdaman ni Ten no'ng kinilig siya na ewan. Naiihi. Hihi.

"Sabay na tayong umuwi mamaya." Sabi na naman niya.

Suddenly he's full of words. Well, para sa akin. Two words for me are already too much. Minsan lang kasi siya maging ganyan sa akin.

"Sabi ni mama? Sige."

Naglakad kami pabalik sa corridor kung nasaan ang magkalapit naming room. Kakaunti na lang ang natirang nagre-rehearse dahil nang sabihin kanina ni Ray na tapos na kami ay lahat nagsi-takbuhan sa food court. Ngayon ay kukunin ko ang wallet ko sa bag na nasa room.

"Hindi."

I whip my hair back and forth. Weeeeyt! E bakit nga ba? Teka, kinikilig ako. I lurve my hubby talaga.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon