52nd Paper

2.4K 75 4
                                    

52nd Paper
When

Lumayo ako sa kanya at mabilis kong kinuha ang jacket ko kasama ang shoulder bag.

"Maglilibot lang ako sa baba. Doon na lang kita hihintayin." Paalam ko at nagmadali na akong lumabas.

I breathed out. Akala ko ba ay hindi na muna niya iyon sasabihin sa akin? Magi isang linggo pa lang kaming magkasama ulit sa bahay at hindi naman masasabing matagal na iyon. Plus, tahimik lang siya roon gaya ng ipinangako niya.

Even in some frustrating cases where I want him to talk to me without uneasiness. Nakikita ko pa rin ang pagdadalawang isip niya sa mga sasabihin niya at kilos niya.

But why now he's decided to be blunt?

Alas cinco na nang makarating kami sa venue. Marami rami na ring tao sa leisure park na ito. Nagkalat ang mga tao na halatang supporters ng bawat grupo, at may mga kanya kanyang tarpaulin at banners na inihahanda. Ang iba pa ay nakasuot ng tshirt na may tatak ng pangalan at posibleng logo ng grupong iniidolo.

"Nandoon sina Harvey. Shall we go?" Turo niya sa parte kung nasaan ang mga kaibigan at ka batch namin noong high school.

I saw behind them were my college friends. Mabuti na rin sigurong sa kanila na muna ako at mamaya ko na lang kikitain ang mga high school friends.

"You go. Kakamustahin ko na muna sina Jecka. I'll ask also the place they're staying."

"Bumati ka muna kina Julian. I'm sure miss ka na noong asarin." Tumawa siya.

The thought of hearing their laughter and sharing smiles with them was tempting. Lumakad kami patungo sa kanila at nakipag kamustahan lang ako ng sandali gaya ng plano ko.

"Grabe, hindi mo ba kami na miss? Asar ka!" Nagtatampong hiyaw ni Mariella.

"Miss ko naman!" Tumawa ako. "I'll see you later."

Malakas na rin ang tugtugan sa event, the crowd were also getting wilder. Biglaan namang nagbukas ang iba't ibang kulay ng ilaw na tila sumasayaw na rin sa buong venue.

Iniwan kong naghihiyawan at nagsasayawan ang mga kaibigan ko noong high school. Hindi ko pa nakikita sina Ten, Aria, at Elaine kaya't tinext ko sila.

Kumaway si Anica nang makita niya ako. Pinalibutan agad nila ako at nakutuban kong may kakaiba sa aura nila.

"Alam mo bang nandito iyong si Aiana? Bakit 'yun nandito? Friends ba sila ni Sien?" Sunud sunod na tanong ni Khean.

"Ugh. And I even doubt she's friends with Mae!" Inis namang sabi ni Anj.

Umiling ako. "Hayaan niyo na. We didn't buy the whole event! Let's just enjoy."

Nang tumunog ang isang kanta ni Martin Garrix ay nagpaubaya na sila sa ritmo at sumayaw na. Mas lalong naging hyped ang tao nang magsalita ang DJ sa entablado sa gilid at sinamahan ang tao sa pagsayaw.

"Damn, that guy's hot!"

"Don't even think about it!" Sigaw ni...

"June!!!" Sabay sabay naming tawag.

"Why are you here?" Tanong ni Anica sa malakas na boses.

"Hinahanap ko si Mae. Nasaan siya?"

Sandali kaming napatigil sa pagsasayaw at pareparehas nagtataka. I can't even think of a place where she can be right now. Isa pa ay buong araw kami hindi nagkita because she's busy. Tinext ko lang siya kaninang umaga to send my good luck pero iyon lang 'yon.

"Nevermind. I think alam ko na. Anyway, enjoy!"

Tumakbo na paalis si June nang hindi sinasabi kung ano ang meron. Hinayaan na lang namin dahil mas gugulo pa kung tutulong kami sa kanila gayong hindi naman namin alam ang nangyayari.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon