26th Paper

2.4K 65 4
                                    

26th Paper

Let's Be Friends

Everything came by a blur. Yesterday I was just surfing (that's how I would like to remember it, although I didn't alright!) but now I am stuck in the same old traffic jam in Manila. Wahoo.

"So, how was Florida?" Malamig ang boses ni Drian, ngunit hindi ko rin maramdaman na galit ito. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga para bumulong. "Met any friends?"

Mabilis na nagsitayuan ang balahibo sa katawan ko. Hindi ko maitanggi sa sarili ko na na-miss ko ang kanyang boses; na kahit ilang araw lang ako nawala ay tila parang buwan sa pakiramdam. Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya. I want to say yes, and that I've met new friends but I don't want to lie either. Gusto ko lang malaman what's in it for him if I did anyway?

"Good." Nakita ko ang matipid niyang pag-ngisi nang lumayo siya sa akin. Wow naman, hubby, namiss kita tapos lalayo ka pa nang ganyan?

"Agh. Torture!" Hindi ko napigilang masabi, but I can assure myself I said it in hertz only I can hear.

Dahil sa tagal ng flight ay tulog kami buong byahe pauwi. Tita, and the two guys kept their cool and gave respect to us sleepy heads. Ako ang unang nagising sa aming tatlo nina Mama at Nil. I woke up just before the car hit the La Colina neighborhood. Nagising ang diwa ko nang makita ko ang pamilyar na daan sa labas.

"Mama, hindi tayo uuwi sa bahay?" Tanong ko nang magising si Mama kasabay ni Nil.

Itinigil ni Kuya Jarvy ang sasakyan sa distansya na tingin ko ay malayo pa para pagbabaan naming lahat. Walang umimik sa kanila kaya't nanatili rin akong tahimik. Isang saglit pa ay pinagtitinginan na nila ako at tila yata ay si Drian din.

"Drian, help Jesca with her things. Magpahinga na kayong dalawa."

Binigyan ako ng mabilis na tango ni Mama kasabay ng pagod na ngiti. Matapos noon ay bumaba na ako at sinundan si Drian na masunuring ipinasok ang mga gamit ko. Hinintay ko lang mawala sa paningin ko ang sasakyan bago pumasok ng bahay.

Natagpuan ko ang mga bagahe ko sa may hagdanan. Hindi na ako nagtaka kung bakit naroon ang mga iyon. Those are my things, I'm the one responsible for those. Right. Napabuntong-hininga na lang ako at tsaka kinuha ang pinakamalaking maleta para iakyat ito sa taas. Getting it upstairs was a real struggle, especially in my weakest point right now.

Pagkatingala ko ay tsaka ko pa nakita ang matalim ka tingin ni Drian sa akin, pabalik balik iyon mula sa aking kamay na nakahawak sa maleta at sa akin mismo. Dahan dahan siyang lumapit sa akin para kunin ang maleta. Ipinasok niya iyon sa aking kwarto nang walang sinasabi. Bago pa man ako makakuha ng isang hakbang ay naunahan na niya ako sa pagbaba ng hagdan. He came back upstairs carrying the rest of my things.

"Good heavens, Jesca. Were you working out?" Inis niyang tanong sa akin. Pagkabuka ng bibig ko para magsalita ay agad siyang tumawa nang sarkastiko at umiling iling, "Never mind. You change your clothes. Bumaba ka after for our dinner."

My room didn't change a bit. Naisip ko na hindi naman ako ganoong katagal nawala, pero para sa akin ay medyo matagal tagal din. Considering the torture moments Gage has given me through gym workouts. Grabe! Insane!

Gym. That lead me to thinking about Drian's issue with me working out. Ano ba ang gusto niyang iparating doon? He seemed pissed about the idea. Parang ayaw niya akong mag-workout o exercise manlang. Hindi ko siya maintindihan, although the look on his face was giving me a pretty evident bad mood. Not that he's occasionally like that, he's always... always like that.

Nagpalit ako ng damit at inilabas sa bagahe ko ang importante kong kagamitan. Napagpasyahan kong bukas na lang ayusin ang mga gamit para sa laundry time dahil sa pagod. Bumaba na rin ako kaagad dahil ayoko ng isabay pa ang gutom sa kawalan ko ng enerhiya. Mamaya ay tuluyan na akong pumayat nito, and I don't want Drian to get the wrong idea. Hindi ako nagpapapayat talaga. Exercise lang para maging fit.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon