48th Paper
Different"Gusto mo bang kumain bago umuwi?" He's driving me home now. He's also smug from winning me over to send me home.
"Hindi na."
I'm more excited to see Mama and Nil. I'm sure they're on their way home from the airport. Two days before ay naging mailap na sila sa topic ng pag uwi. Ang sabi lang nila ay gusto nila akong sorpresahin. They said that as a joke so what do I know?
"This way is to La Colina! Iuwi mo ako, Drian!"
He's still focused on driving. Hindi niya ako pinapansin at mukhang walang plano akong pakinggan. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto nang tumigil ang sasakyan.
"Hindi ako bababa."
"Kahit sandali lang?" Mahina niyang tanong.
Nakabukas lang ang pinto ng sasakyan. Napaupo na siya habang hinihintay ang sagot kong hindi ko ibinibigay.
"Hindi na ba talaga kita mapipilit?" Wasak ang boses niya, I could hear. Nang tignan ko siya ay nakatungo na siya. Nanliit ang puso ko at nanikip ang aking dibdib.
"Para saan pa? I need to get home, and this isn't mine anymore."
"I thought we're on a reset, Jesca? Pero bakit parang ayaw mo pa rin akong bigyan ng pagkakataon? Alam kong nasaktan kita pero parehas lang tayong nasaktan. I may have pushed your button that night but that was only the first. Don't you think it's unfair to deprive me of one last chance with just that?"
"Ang tagal kitang hinabol, Drian. Hindi mo manlang ba naisip na baka napagod na ako? Na napuno ako at iyong gabing 'yon was my breaking point?"
Tumayo siya. His face was still soft and in no means to turn stern nor cold.
"Hindi ko naman sinabing habulin mo ako. I had a girlfriend and you were still on. What do you want me to do?"
Kahit alam ko na iyan dati pa, hearing him say it was a big slap on my face. To say it's somehow my fault was true. But I cannot deny the fact that our family and some of our friends had given me false hopes. Still, maybe it really was my fault because I've been too much of a pushover. Naniwala ako at nagpadala ako sa mga sinasabi nila. But can they really blame me? I was really head over heels!
Walang nagsalita ni isa sa amin habang nasa byahe pauwi sa bahay namin. I was mortified of what he said, there's no better way to trigger silence than that.
Nagmadali ako pagpasok sa bahay nang makita ko si Kuya Jo na nagpapasok ng mga bagahe sa bahay.
Imbes na matuwa si Mama sa pagkakita sa'kin ay nagulat pa siya. Natigilan pa si Nil midway sa pagbaba ng hadgan.
"Ano? Para kayong nakakita ng artista, ah?" Biro ko. Lumapit ako kay Mama para yumakap.
Si Nil naman ay nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Panay ang pag taas at baba niya sa hagdan, now with an extra speed.
Umupo kami ni Mama at nagkwentuhan. Si Kuya Jo ay abala rin sa pagpasok ng mga gamit tulad ni Nil, na kanina pa nagtataas ng mga gamit sa kwarto niya. Napatingin kami ni Mama sa kanya mula sa taas nang sumitsit siya.
"Nil, come down! May pa sitsit ka pang nalalaman dyan." Sigaw ko. I want to hug and pinch him so hard. Na miss ko rin naman ang kapilyuhan ng kapatid ko.
"Hindi kasi pwede, Ate! Would you look away for a sec? I'm talking to Mama!" Masungit niyang sabi.
Tumawa ako at umakmang tataas sa hagdan. The horror in his face was ridiculous.
"Dyan ka lang kasi po! Please po." He pleaded in a frantic tone.
Papataas na ako nang hawakan ni Mama ang braso ko. Sumenyas siya kay Nil bago kami sabay na tumungo sa taas. Dinala ako ni Mama sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
MASH Romantic (Chase Series #2)
RomanceNicole tried doing Mash on their names. For her, it turned Sweetheart. For Drian, it's Angry. Pero loko-loko yata ang tadhana dahil lahat yata ng nasa MASH na ito ay naranasan nilang dalawa. They almost got (M)arried and he was (A)ngry. Then he sudd...