42nd Paper

2K 65 3
                                    

42nd Paper
Thank God

"I attempted, Sien. Pero halatang ayaw niya. I should not feel the culture shock, really, but I do." Huminga ako nang malalim.

"Baka nagtatampo lang. Because come on, nagluto iyong tao at paniguradong hinintay ka pa niya bago kumain." Sagot ni Sien.

Third wheel ako sa kanila ni Mae ngayong araw dahil nakuha ko ang senyales na ayaw akong makausap ni Drian. They insisted on fetching me this morning for school at ngayon ay papunta kami sa Robinson.

"SB, girls?" Tanong ni Sien matapos niyang i-park ang sasakyan.

"Your treat." Sagot ni Mae.

Nauna akong maglakad sa dalawa dahil alam kong gusto ni Sien na masolo si Mae. But unfortunately, here I am. Mas binibilisan ko ang lakad ko kapag lumelebel si Mae sa bilis ko.

"Jesca, pumasok ba si Drian ngayong araw?"

Kinakalikot ko ang phone ko nang tanungin ako ni Mae.

"Yep. Imposibleng hindi 'yon pumasok, I know they're on projects."

Napansin ko ang pagtitig niya sa labas kaya't niligon ko iyon. There I saw Drian, on his jeans and shirt and not on a uniform. Nagpalit ba siya ng damit pagkatapos sa Summerridge o hindi siya pumasok? I wouldn't know because I left earlier this morning.

"One caramel, and one mocha." Hindi ko na mapansin ang inilapag na Frappe ni Sien sa table dahil sa pagtitig sa lalaki sa labas.

By his constant glance on his watch, it's as if he's waiting for someone. Everything stopped. Everything did not matter to me.

"Sien, nag attend ba ng classes si Drian kanina?" I heard Mae asked.

"Oo. But he ditched the last period, I don't know why."

"Oh, I do." Sabi ko, hindi pa rin inaalis ang pokus kay Drian.

Ngumiti siya nang makita niya ang isang babaeng palapit sa kanya. Tinanggap pa niya ang halik nito sa kanyang pisnge at tila mas lalong lumiwanag ang kanyang mukha.

"Sorry, Jes. Hindi ko alam na magkikita sila ni Aiana."

Inalis ko ang tingin sa dating magkasintahan para umiling kay Sien.

"Where are the cakes? Kulang ka naman." Tumawa ako. Halatang parehas silang nagtaka sa inasal ko. "Come on, baka friendly meeting lang iyon. We don't have to assume anything at all."

"Sigurado ka? Pwede natin silang sundan, if you want." Humigop si Mae sa kanyang frappe at nagkibit ng balikat.

"Or we can just ask them to come over." Sabi ni Sien habang nakatingin nang matalim kay Mae.

"What? That's not stalking. That's looking for some kind of answer."

Hinayaan kong magtalo ang dalawa roon para maka-order ng cakes. I ordered three, but it should've been four because I felt a bit down.

Pagkahatid sa akin ng dalawa ay wala pa si Drian sa bahay. Of course, he's with Aiana. Wala rin siyang text at hindi ko alam kung tama bang ideya na tanungin siya.

Maaga ako ngayon sa bahay dahil wala kaming study session, and this is good because maybe I'll prepare Drian dessert to fix the crappy last night.

Mabuti at nakakita ako ng graham crackers kaya't naisipan kong Crema na lang ang gawin. Wala na akong panahong tumingin pa sa internet ng recipe at bumili ng ingredients dahil sa posibilidad ng paguwi ni Drian.

Nang matapos ko ang ginawa ko ay nag disenyo ako ng nakasimangot na emoticon at ang salitang Sorry sa ibaba noon gamit ang durog na Oreo biscuits.

Hindi ko na nahintay si Drian dahil sa antok ko. Itinulog ko na lang ang gabi matapos kong i text si Drian na mag-ingat siya pauwi. Wala na akong ibang sinabi, hindi na rin ako nagtanong. Iyon lang.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon