50th Paper
Not JealousNang magsimula ang klase ay muli na naman kaming naging abala sa kanya kanyang buhay. Aral dito, aral doon. But Academics didn't stop Mae from doing what she's most passionate about, dancing.
Malapit na ang contest na matagal nilang pinaghahandaan ni June at ng grupo nila. I think it's going to be this weekend in Tagaytay.
Inilapag ko ang iPad sa study table at itinuloy ang pagsusuklay ko habang ka-video call si Gage.
"So you'll visit Phil? Makakarating ka ba before this weekened? Because Mae have an event."
"What event?" His mood suddenly went from being bored to attentive.
"A dance event, or something. Ang alam ko ay competition iyon. She's been preparing for it since ages ago."
Tumango tango siya. May tinignan siya sandali sa lap niya, abalang abala. Hinayaan ko dahil ako rin ay nagaayos ng sarili bago matulog.
"So the event, is it a Saturday or Sunday?" Tanong niya ngunit nakatuon pa rin ang mata niya sa ibaba. Tila may binabasang kung ano.
"Saturday. The event will start six yata. I still have to confirm it to Mae."
"Okay. See you soon! Something came up. But we'll talk again. Miss you, Big Jes!"
His phone is now on stand, tumayo na siya habang nagpapaalam at nagaayos na rin ng sarili.
"Alright! Miss you too, nasty Gage. Hope to see you on Saturday. Use your GPS, it's in Tagaytay."
"Send me the rest of the details after you've confirm it."
"I will."
Mukhang nagmamadali talaga siya dahil pagkatapos kong magpaalam ay bigla ng namatay ang tawag. Natulog na rin naman ako matapos noon.
Apart from anything personal, alam kong ang event na iyon ang inaabangan naming magkakaibigan. Not being biased, I must admit that Mae really is a terrific dancer.
Kakaiba ang pag galaw niya sa pagsasayaw. Malinis at tila wala lang ang kahirapan ng choreography sa kanya. Her curvy physique added substance to her show.
"Nasa labas na ng room ang hubby mo, Jesca." Ngiting ngiting sabi ni Khean na halatang kagagaling lang mula labas.
"Wait, hindi na asar si Jesca sa endearment na hubby?" Tanong ni June.
"Kailan ba iyan nainis? Sus, pakipot na puso. Naghihintay na ang asawa mo sa sunggab mo."
Hindi napigilan ng mga kaibigan ko ang pagtawa sa mga sinasabi ni Khean. Miske ako ay nagpipigil ng tawa dahil doon. Pag irap at make-faces ang kakampi at depensa ko.
Inayos ko ang gamit ko bago lumabas. Kinuha rin naman agad ni Drian ang bag ko pagkakita niya sa akin. Hindi naman ako tumanggi dahil mabigat iyon dahil sa mga makakapal kong libro.
"Diretso bahay ulit?" Tanong niya nang makapasok na siya sa driver's seat.
"As usual." Napahikab ako dahil sa antok. I'd like to sleep for a while pero nahihiya at nanghihinayang ako.
Tuwing dismissal lang kami nagkikita madalas at kahit simpleng usapan lang ang nangyayari ay ayoko rin naman iyong palagpasin. After all, we're starting anew.
"Nap, Jesca."
"Oh. I'm alright." Hindi ko napigilan ang ilan pang hikab matapos nito. Tanging tawa lang niya ang narinig ko bago ako tuluyang napapikit.
Nap was always second best to sleep. I suddenly became awake when I felt I was being lifted from my seat.
Gising na gising ako nang makita ko ng klaro at malapitan ang mukha ni Drian. Sa pagkakabigla ay nahampas ko nang malakas ang kanyang likod.
BINABASA MO ANG
MASH Romantic (Chase Series #2)
Roman d'amourNicole tried doing Mash on their names. For her, it turned Sweetheart. For Drian, it's Angry. Pero loko-loko yata ang tadhana dahil lahat yata ng nasa MASH na ito ay naranasan nilang dalawa. They almost got (M)arried and he was (A)ngry. Then he sudd...