13th Paper
Assumptions
Pagkagising ko kaninang umaga ay tsaka ko lang napagtanto kung ano ang sinabi ko kagabi kay Drian. Ngayon ay tinatawanan ko na lang iyon. But how the sting pained me last night didn't dissipate.
"Pa, sasama po ako." Sagot ko kay Papa matapos naming pagusapan ang kasunduan. Si Nil ay mananatili rito kahit gaano pa niya kagustong sumama sa amin.
"Dapat lang. I want you to enjoy my house on states."
"I bet there will be lots of food! Oh my gosh, let's pack now!" Biro ko. Tumawa si mama at papa, habang si Nil ay nakabusangot pa rin. He has kid's stuff he couldn't leave here.
"We'll go the day after your entrance examination in Summerridge, will that be okay?" Tanong ni Papa. Now I suddenly want to take it back. Ang bilis masyado, pero naisip ko na ayos na rin iyon. Drian wants me gone, and I think I want to be gone for a while, too.
Tumango ako. Now there's no turning back. Naisip ko na aalis at aalis din naman kami for America so why prolong it a little more?
Nahati ang oras ko sa pag-aasikaso for college at ang pageempake ng gamit para sa La Colina at sa vacation ko sa Florida. Ganoon lang ang ginawa ko buong araw the next day. Hindi na ako nakapag-review para sa exam pero may tiwala naman ako sa stock knowledge ko. At kung hindi man ako makapasa ay nandito pa naman ang URS para sa akin. Baka sakaling pakuhain pa ako ng Engineering doon ni mama.
Kumain ako nang marami this breakfast, the least I can bribe my mind with to function properly later for the exam. Hindi kami sabay na kukuha ng exam ni Mae pero ang alam ko ay sa Summerridge rin niya planong mag-kolehiyo. Well, ayaw mahiwalay sa akin eh. Maganda raw kasi ako.
"Mama, ayos lang talaga sa inyo na sasandali lang dito si papa? Tapos kasama pa ako pag alis niya." Tanong ko habang nasa byahe kami papuntang Summerridge.
"Oo naman. Mababawasan ang kilo ng isinasaing kong kanin kada kain. Mabuti na rin iyon." Pagbibiro ni mama.
"Nako, hindi talaga kita mami-miss, ma!" Pabiro rin akong umirap.
"Mag-iingat ka ro'n, Jesca. Maraming tukso, 'wag kang titingin sa ibang lalaki! Nako, makasalanan iyon." Masungit na sabi ni mama.
"Pero kung maka-tulak sa akin kay Drian, akala mo'y basic necessity ko para mabuhay." Ngumuso ako.
Ilang saglit pa ay nasa Summerridge na kami. Bago ako bumaba mula sa sasakyan ay sinabihan ako ni mama na dadaan kami sa La Colina mamaya para bumisita sandali, at para raw makita ko na rin ang magiging tirahan ko pag dating ng June.
"Excuse me, saan po ang Admission Office?" Tanong ko sa lalaki na nasa harap ng table kunsaan may nakapaskil na papel na may sulat na: Information Booth.
"Jesca, right?" Imbes na sagutin ako ay nangingiti niyang itinanong kung ako nga ba si Jesca.
Nagalinlangan pa ako but I still nodded. "Admission Office po?"
Umiling siya at tumawa nang pabahagya. "You should've brought Drian with you. Anyway, here." Imbes ulit na sagutin ako ay inabutan niya na lang ako ng University Map.
Bago ako nagpasyang magpaalam ay ineksamin ko muna ang lalaki. Baka sakaling guwapo ay, alam na. Charing! Ang una kong napansin sa kanya ay ang maliit na laminated name plate sa kanyang polo shirt. It says Paolo.
"Thank you." I mouthed just before I made my way to the Admission Office. Madali ko iyong nakita, a big help from the map. Sa Admission ko kinuha ang room number ko at ang exam permit.
BINABASA MO ANG
MASH Romantic (Chase Series #2)
RomanceNicole tried doing Mash on their names. For her, it turned Sweetheart. For Drian, it's Angry. Pero loko-loko yata ang tadhana dahil lahat yata ng nasa MASH na ito ay naranasan nilang dalawa. They almost got (M)arried and he was (A)ngry. Then he sudd...