36th Paper

2.4K 82 6
                                    

36th Paper
Opo

Natapos ang unang linggo na puro advance reading ang ginawa namin. Ang mga sumunod naman ay madugo na. Bumabalik na naman ako sa unconscious diet ko. Kadalasan ay hindi ko naman sinasadyang makatulog nang hindi pa nakakapaghapunan.

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Drian. Hawak niya ang dalawang mug. I know it's milk, he's been doing that every time I review.

"All nighter again?" Inilapag niya sa study table ang mug ko.

"No choice." I gave him a faint smile. Humigop ako ng kaunting gatas.

Napasandal na ako sa upuan habang si Drian naman ay umupo sa kama ko. Tahimik naming sinisimsim ang mainit na gatas. Kung pwede lang ay talagang itutulog ko na ito.

"This is worse than calculations, Nic. Hindi ko alam kung paano ka nakakatagal sa Med." Mataas ang tono ng boses niya. Tinitignan niya ang hand outs na binabasa ko. Hindi ko naman napigilan ang tawa ko.

"Minahal ko na rin naman ang Med. Mahirap pero alam kong worth it sa huli. Mae said the same thing. May mga bagay talaga na pwedeng matutunang mahalin." Mahina akong tumawa.

Bumalik si Drian sa pagkakaupo, pinaglalaruan ang walang lamang mug sa kamay niya.

"Mae sent me a text. Hindi ka raw nagrereply sa kanya?"

Inabot ko ang phone ko at ipinakita sa kanya na naka-off ito. Magha-hating gabi na nang patayin ko ito, hindi ko naman naisip na may magtetext pa sa akin ng ganoong oras. Well, bukod sa mga kaibigan kong nag aaral din. But their texts come rarely.

"Kinukulit niya ako na sabihin sayo iyong tungkol daw sa Quiz Bee? Nag release na raw ng informations." Sabi niya. Tumayo siya para kunin ang mug ko. "Gusto mo pa?"

Umiling ako. "Ite text ko na si Mae na lubayan ka na para makatulog. Good night."

Tumawa siya bago lumabas ng kwarto. Napatungo ako sa lamesa kaagad. Siguro ay kailangan ko ng power nap. Binuksan ko na ang phone ko para mag reply muna kay Mae.

Sunud-sunod kong natanggap ang mga mensahe nila. Pinaka marami ang kay Mae bukod sa isang unregistered number. Binuksan ko ang unang mensahe mula sa unregistered.

Unregistered Number
I sent you a message on Facebook. You might want to check your Others folder since hindi mo pa ako na-accept.

Paolo by the way, miss. ;)

Ang suplada mo pala. O baka tulog ka na. :) Good night, then.

Your blockmates are still awake. Any chance you might accept my friend request this early morning, miss suplada?

Ilan lang iyan sa mensahe niya. Hindi ko na kayang replayan ang text niya at magpaliwanag ng bagay. Hindi ko gustong maging suplada pero wala ako sa mood. On the otherhand, I logged in on Facebook and accepted him. Totoong pati rito ay nag message siya. He attached a pdf file and said other details about the activity. Bukas na lang daw kami maguusap usap tungkol dito. Nagpasalamat ako at agad na nag off ng wifi.

I did my power nap. It did powered me but also made me thirsty. Pagkabukas ko ng pinto ko ay narinig ko si Drian na may kausap sa kwarto niya. Nakabukas ang pinto niya kaya sinilip ko.

"God! Thank you po!" Kakaiba ang ngiti ni Drian habang nakadikit ang phone niya sa kaliwang tenga.

Hindi ko naman intensyon na mag-eavesdrop at marinig ang apat na salitang sinabi niya. Pero kasi, parang na-magnet na naman ako noong nakita kong nakasuot siya ng pajama at sando.

"I'll hang up. I must have woken Jesca up, mom. I'll call later." Sabi niya sa kausap niya nang makita niya ako. Hindi naman nawala ang ngiti niya.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon