19th Paper
Sick Bastard
Lumipas ang dalawang linggo simula nang magpasukan. Si Mae na lang ang lagi kong nakakasama dahil sa Maynila na nag-aaral sina Elaine, Aria, at Ten. Parehas din ang kurso namin ni Mae kaya't mahaba-habang sawaan ang mangyayari sa aming dalawa. We are taking Medical Technology. Hindi ko lang alam kung ipagpapatuloy ko pa ito sa medisina kapag nakapagtapos na ako.
"Bakit kasi hindi mo pinayagan si Drian ang maghatid sa akin?" Reklamo ko habang napapasipa sa inis. I am riding shotgun in mama's car while Gage drives.
"Hindi mo ba nakita kung gaano niya kaayaw ihatid ka? He's already late, Jes. 'Wag ka nang mag-reklamo."
"AGH!" Napalipad na lang ang dalawa kong kamay sa magkabila kong pisnge. Alam ko naman talaga kung bakit niya ako gustong ihatid. And no, wala siyang gusto sa akin. Ang gusto niya lang mangyari ay ang inisin ako. Ayaw na niya akong nalalapit nang ganoon kay Drian. He's that mad! Sick! Annoying arse!
"'Wag mo na akong sunduin mamaya! Nako, Gage. Kapag sinundo mo ako ay talagang malilintikan ka sa akin."
Nginisian niya ako nang hindi tumitingin. "Try me."
Muli akong napasigaw dahil sa kakulitan niya. Dahil doon ay sirang sira na ang umaga ko. Nakasimangot ko tuloy na sinalubong si Mae pagkapasok ko ng gate sa Summerridge.
"Tingnan mo iyong lalaki, nakatingin sayo. Sa laki mong 'yan, may hahanga pa pala sa ganda mo." Tawa ni Mae nang ituro niya ang lalaking pamilyar ang mukha sa akin. I squinted my eyes to see his face clear.
"Wala lang iyan. Nakausap ko kasi siya noong mag-exam ako noon. Pinagtanungan ko lang." Depensa ko. Hindi na niya ako kinulit dahil mali-late na rin kami sa klase.
Nang mag-uwian ay inasahan ko na talaga na susunduin ako ni Gage. Dahil sa pagkainis ko kaninang umaga ay sa likuran ng sasakyan ako sumakay. Hindi ko siya pinansin. Tanging si Mae lang ang kumakausap sa kanya, na siyang nakaupo ngayon sa shotgun.
"So, Mae. I'll pick you up tonight?"
Noong una ay akala ko nagkamali lang ng tawag sa akin si Gage. Pero nang makita kong tumango nang mahinhin si Mae ay nanlaki na ang mata ko. Hindi ko naman maalalang nagkakausap na silang dalawa para magkaroon ng ganoong paguusap. That's even barely a conversation!
May hindi ako alam!
"Ikaw na ang una kong ihahatid, Jes." Sabi ni Gage.
Well, that's new. Laging si Mae ang inuuna niyang ihatid dahil parehas naman kami ng uuwian. Gusto kong itanong sana kung bakit pero naalala kong hindi ko nga pala siya pinapansin kaya't itinikom ko na lang ang bibig ko.
"Whatever." Bulong ko sabay tingin sa labas ng bintana.
Laking tuwa ko na lang nang maabutan kong naroon na si Drian sa bahay. Kadalasan kasi ay ako ang nauunang umuwi sa bahay. Hindi ko alam kung bakit maaga siya ngayon. Pero kunsabagay, hindi ko naman alam ang schedule niya. Hindi niya rin iyon ibinibigay. At wala pa akong balak nakawin sa kanya ang binder niya. Next time na lang.
"You're early." Nagulat ako sa sinabi niya. It's the first time this week that he said a word to me. Inilapag niya ang baso ng juice sa coffee table habang ang mata niya ay nakatingin pa rin sa akin.
"Ito talaga ang uwi ko, Drian. Ikaw yata ang maaga ngayon?" Binigyan ko siya ng mahinang tawa.
Iniwas na niya ang tingin niya sa akin at nagsimulang tanggalin ang dalawang butones sa itaas ng uniporme niya. Gosh, unbutton all of 'em!
"Got too tired. Sumakit ang ulo ko." Pagkasabi niya noon ay umupo siya sa couch. Ang dalawa niyang kamay ay nakatakip sa mga mata niya. Umupo ako sa tabi niya at sinapo ang kanyang leeg.
BINABASA MO ANG
MASH Romantic (Chase Series #2)
RomansNicole tried doing Mash on their names. For her, it turned Sweetheart. For Drian, it's Angry. Pero loko-loko yata ang tadhana dahil lahat yata ng nasa MASH na ito ay naranasan nilang dalawa. They almost got (M)arried and he was (A)ngry. Then he sudd...