33rd Paper

2.6K 66 8
                                    

33rd Paper
Starting

The summer will officially be over on Monday. Nakaalis na rin si Gage ng bansa pauwi sa Florida. I felt really really bad because I didn't make the last days of his stay in here fun. He's gloomy when he left, his smiles were all stoic. Nang tanungin ko siya kung kailan siya babalik dito ay hindi niya ako sinagot. Now I really need to know what happened.

Wala si Drian sa bahay simula kaninang umaga. Palagi na siyang wala simula ng matapos ang mga outings namin. Aniya'y may inaasikaso sa school. Umuuwi ako kina Mama paminsan kapag naroon sila. May work na si Mama at si Nil naman ay sa bahay ng mga Tita ko sa Morong namamalagi. Maige nang naroon siya dahil nandoon ang mga pinsan naming kasing-edad niya. I couldn't even entertain him at home.

Tinawagan ko si Mae para itanong kung pwede kaming magusap ngayon, sinabi niyang may dance rehearsal sila ngayon pero hindi niya rin sinabing hindi. I let her go because we can always talk some other time. Maybe I can talk to Gage about it later. I don't have to know the full story, maybe just some of it so I can judge if I am of any help to him, or them.

I'm too spent from Zumba to prepare dinner. Nakita ko lang sa TV kanina noong bored akong naghahanap ng magandang palabas. I just thought it's healthy. Tutal naman ay sinimulan na ni Gage ang issue sa katawan ko ay itinutuloy ko na rin. He's done a good job if I must say. Marami ring nakapansin ng pinagbago ko, lahat ng sagot ko at katuwang ang pangalan ni Gage.

Balak kong bumili na lang ng takeouts para sa hapunan nang maisip ko na mahirap magbyahe ngayong gabi na. Muli kong naisip ang pagre-reconsider sa kotseng inaalok ni Mama. Noon pa iyon ngunit wala naman siyang sinabing expiration date ng offer.

Sa huli ay nagpadeliver na lang ako ng Pizza. Siguro naman ay ayos na rito si Drian, because duh, who can resist pizza?

Nanood ako ng My Sassy Girl habang hinihintay ang hubby ko. I'm midway the movie when he arrived home. I saw he's holding KFC paperbag and I almost jumped up to get it.

"Easy peasy. May mashed potato." He chuckled. Pinatong niya ang pinamili niya katabi ng box ng pizza sa harap namin. "I figured to grab these when I saw the delivery guy left the vicinity."

Ngumiti ako sa kanya habang ang kamay ko ay gumapang na sa loob ng paper bag. Lalo lang siyang natawa.

"Anong ginawa mo buong araw?" He asked while he opened the box of pizza. Sinimulan niya iyon habang ang mash potato naman ang nilantakan ko.

"Can I say wala? Kasi wala talaga akong matinong nagawa ngayong araw. Well, except maybe from doing zumba this evening." Sabi ko, slightly laughing.

"Why the heck?" He squinted his eyes at me, his lips slightly apart as if deciding if he's going to be amused or not. He shook his head immediately to brush off his query. "Nevermind. Just eat."

Itinago ko ang ngiti ko habang kumakain. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang maayos na kami. I always ask myself why and how every time I get to see him smile and laugh because of me, and every time he closes the distance between us. He's now acting as if we've never really grew apart. I like his change. I did not fully mind our distance while growing up because I'm too young to depress myself from that kind of reason, although come to think of it actually did too, in some ways. He even said he's sorry for it and I accepted his apology even before he made it.

"I'll drive you to Summerridge on Monday." Sabi niya. We were almost finished with our dinner. "May plano ka ba bukas?"

"Wala naman. Except for taking advantage of the last free day before school."

"What do you have in mind, then?" He kept on asking.

"Jog siguro sa umaga." Nagkibit ako ng balikat at nagsimulang gumawa ng listahan sa isip ko ng pwede kong gawin bukas. "Maybe a lunch at home, bonding with Mama at Nil tapos uwi na siguro dito." All were said in uncertainty. "Ikaw?"

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon