38th Paper
Ought To HappenPagkababa ko ay agad kong tinanong kung dito sila magdi dinner. I was kind of relieved when they all agreed to leave early. In that way ay hindi kami magiging abala sa hapunan.
"So I'm thinking of giving soft copies of my reviewers. Ise send ko na lang pagkauwi ko. Or maybe I can print it at ipa photocopy niyo na lang." Sabi ni Jasean.
"Photocopy it is." Sabi ko naman. Hindi ako sanay magbabad sa computer pag nagbabasa. Sinubukan ko iyon ng isang beses at headache ang inabot ko kinaumagahan.
"I'll give you the copy tomorrow." Sabi sa akin ni Jasean.
Saktong nagaayos na kami ng mga gamit nang bumaba si Drian. Paparating na rin naman daw ang mga sundo ng mga kagrupo ko.
Umupo sa tabi ko si Drian. Nanonood na kami sa TV dahil naghihintay na lang naman kami.
"Hi." Bati niya nang tanguan ko siya. "Dinner tayo sa labas pagkaalis nila?" Bulong niya. Medyo nakakakiliti!
"Saan?" I asked, my voice was slightly tense. "May bagyo, uy!"
"Alright. Dito na lang tayo mag dinner. Bibili ako sa labas." Sabi niya.
"Hey hey hey!" Singit sa amin ni Mae. Nakatayo siya sa harap namin at pinagbuklod kami ni Drian gamit ang kamay niya. "No obscenities when guests are around, please?"
Nandidiri ko siyang tinamaan ng tingin. "As far as I know hindi naman masamang mag bulungan?"
"Hindi. But Drian's making it look like he's giving you hickeys!" Bulyaw niya. Napailing ako kaagad at lumayo nang kaunti kay Drian. Tawa naman nang tawa sina Anica at Khean sa inasal ni Mae. O, namin. Hindi ko alam.
Natawa na lang din ako. I shook away the thought. Nabawi naman ang ngiti ko nang makita ko si Jasean na nakayuko. His fingers were clasped together while his elbow rested on his thigh. He seemed uneasy about what had happened and I cannot blame him. Senior namin siya at siguro ay nagulat siya sa biruan namin.
Isang mahabang busina mula sa labas ang pumukaw ng atensyon namin. Sinilip namin iyon ng mga kaibigan ko at si Anica ang unang umuwi. Sumabay na si Khean sa kanya dahil on the way naman ang bahay noon.
"Ang tagal ng sundo ko. Please tell me I won't get stuck in here." Malakas na panalangin ni Mae sa pinto. Nakahawak pa siya sa door knob na para bang ready na siyang lumabas ng bahay.
"Ang OA mo, Mae." Natatawa ko siyang binato ng unan pero hindi siya nagpapitlag. Hindi namin maiwasang hindi siya tawanan.
"Because nagugutom na po ako. And I really don't want to corrupt my eyes." Nag fake pa siya ng iyak.
"Sien's outside, Mae. Pwede ka nang makauwi." Sabi ni Drian kay Mae. Ibinigay naman niya sa akin ang phone niya na naglalaman ng conversation nila ni Sien. Nang mabasa ko ay itinaas ko iyon para masulyapan ni Mae ang pangalan ni Sien na ngayo'y tumatawag kay Drian.
"Hindi. No way. Nakuponaman! My gosh. Dito na lang ako." Natataranta niyang sabi habang napatakbo pabalik sa upuan.
"You have to chill, Mae." Paalala ni Jasean sa kanya. Natawa ako roon. Mas lalong naapektuhan si Mae nang marinig namin ang busina ng sasakyan sa labas. "Nasa labas na ata ang boyfriend mo. Papayungan na kita." Jasean offered.
Ayaw pa talagang lumabas ni Mae, pero nang makausap niya si Sien gamit ang phone ni Drian ay wala rin nagawa ang babae. Inihatid siya ni Jasean sa sasakyan habang kami ni Drian ay tinatanaw ang dalawa papunta sa sasakyan. Kitang kita pa rin sa mukha ni Mae ang pagkainis at pagkabalisa.
Nang makabalik si Jasean ay pumasok na kami sa bahay. Kinuha niya kaagad ang gamit niya, tila nagmamadali.
"Mauna na siguro ako. Mukhang matatagalan ang driver namin, he lost his way. Magko commute na lang ako pauwi." Ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
MASH Romantic (Chase Series #2)
RomanceNicole tried doing Mash on their names. For her, it turned Sweetheart. For Drian, it's Angry. Pero loko-loko yata ang tadhana dahil lahat yata ng nasa MASH na ito ay naranasan nilang dalawa. They almost got (M)arried and he was (A)ngry. Then he sudd...