49th Paper

2.3K 69 2
                                    

I'm very thankful of my supportive friends! And Mars, xEssenx, is one of them. <3 Btw, check out her works, too. ;)

49th Paper
No Competition

"May balita ako, ah?" Pang inis na bungad ni Mae ngayong umaga.

Hindi ako sumagot dahil napuyat ako kaiisip sa naging reaksyon ni Drian sa mga binitiwan kong salita kagabi.

"You'll not ask?" Muling tanong ni Mae. Tinapunan ko lang siya ng tingin. "Okay, I'll just tell!"

Naglalakad kami papuntang room ngayon para sa unang klase. Inaayos ayos ko pa ang aking paldang nagusot dahil sa pag commute. Nope, wala akong sundo ngayong umaga. I wonder if he gave up already.

"Binaliw mo raw si Drian kagabi, ah? Elaine said he went back at Mariella's last night and drank real hard!" Tawa pa niya.

What?!

"Oh come on, Mae! Malay mo uhaw lang 'yong tao. Don't exaggerate a thing that can be a fact."

Hindi ko alam kung tamang move ba na ipakitang hindi ako apektado o walang pakialam but that's my strategy now. Dito muna ako kakapit.

"Hindi naman ako, si Elaine ang nag sabi. Oh well, what do we know? Siya ang nandoon, but then again she was drunk, too, last night."

Pagkapasok namin ng room ay kumpleto na ang mga kaibigan namin. Mabuti na iyong hindi nila alam ang kaganapan kagabi kaya't hindi na ako mapipilit mag kwento.

"Mag shift na kaya ako? I don't think I can handle another unreasonably-terror prof. again!" Reklamo ni Jecka.

Professor Yael was named the junior Prof. Sandro. Usap usapan na mas matinik daw ito dahil sa taas ng tingin sa sarili. Bukod sa advanced readings ay paborito rin daw niyang magpa-paper works.

"Hindi 'yan! Ipinasa nga ni Kuya Jasean, eh. Papasa rin tayo." Sabi naman ni Khean.

"Are you kidding, man? It's Kuya Jasean! Matalino iyong tao, and he's a natural."

Habang nag dedebate sila ay umuusbong lang din lalo ang kuryosidad ko tungkol sa professor na iyon. He can't be that bad, can he? I mean, we've surpassed Sir Sandro already!

"Jesca, baka pwedeng magtanong ka naman kay Kuya Jasean about Sir Yael?" Khean shot me her puppy-eyed paawa face.

"May number ka niya diba? Ask him." Dumila ako at tsaka tumawa. I don't want to make this a big deal but I don't like the idea of involving Jasean with me right now, at least not yet.

"Guys, narinig niyo na 'yong about kay Sir Yael?!" Mae almost yelled after she rushed our direction.

"Yep! And we're actually trying to get in depth details but this girl wasn't cooperating." Itinuro ako ni Jecka gamit ang kanyang labi.

Sinabi ni Jecka ang naisip niyang ideya para makakuha kami ng scoop tungkol sa prof. And that's when Mae gave me a heavy slap on my shoulder.

"Wow naman, Jesca! Ang bait mo. I get that Jasean's half of the reason why you're in the situation right now, but please, please, please."

Umirap ako. "Ang bait mo ring kaibigan, ano? Alright! Titignan ko ang magagawa ko."

Nang mag saya ang mga kaibigan ko dahil doon ay pati sa block nakarating ang gagawin kong kabayanihan. Kaya matapos ang klase ay iyon ang iniisip ko hanggang sa makarating kami sa walkway.

"Jesca, ano na? Hindi mapanatag ang kaluluwa ko sa prof. na iyon! Gwapo pa naman sana." Bakas ang panghihinayang sa mukha ni Anj. Hindi ko alam kung biro ba iyon o totoo. But I must admit, Sir Yael is quite the dude.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon