43rd Paper
Achilles' Heel"Nage-expect talaga ako ng exemption sa prelims! Alam kong aral na aral na tayo guys, kaya natin this!" Kabado ngunit determinadong sabi ni Khean.
Papunta na kami sa auditorium kung saan magaganap ang Quiz Bee. Mabilis natapos ang linggo dahil sa exams at pagbabad sa aral. Hindi rin nawala ang study sessions namin na tila hindi pabor kay Drian.
"Shit, nandoon si Sir Sandro sa unahan!" Bulalas ni Mae habang tinuturo pa ang gawi ni Sir.
"Si Kuya Jasean, wala pa?" Tanong sa akin ni Anica. Umiling ako. "Text him, please? Asikasuhin na namin iyong registration."
Tumango ako at pumunta sa may entrance ng Auditorium. Pinadalhan ko siya ng text saying we're already waiting for him. Pero nang ilang minuto siyang hindi nag reply ay tinawagan ko na.
"Yes, I'm already running. Papunta na." He immediately said when he picked up.
"Hello rin, Jasean." Tumawa ako nang marinig ko ang paghingal niya. I can tell he's really running.
"Malapit na ako. Hintayin mo ako sa may labas?"
"Sure."
Agad ko naman siyang natanaw pagkalabas ko ng Auditorium. Seryosong seryoso ang mukha niya habang tumatakbo. Sumulyap pa siya sa wrist watch niya bago ako nakita. Ngumiti siya at sinuklian ko naman iyon.
"Sorry, nagkita pa kami ni Dad for lunch. Marami na bang tao sa loob?" Tanong niya habang naglalakad na kami papasok.
"Super! You know, Sir Sandro's students and their recruited higher year."
"You aiming to win?" Nakatawa niyang tanong.
Natanaw na kami nina Mae mula sa registration table. Nasa gilid na lang sila at mukhang hinihintay na lang kami para sa aming signatures.
"Kailangan lang namin no'ng incentives. I heard it's almost impossible to pass without it, kung hindi ka genius." Natawa siya sa sinabi ko.
Matapos naming makapirma ay naghintay pa kami ng ilang sandali bago magsimula ang program. Ang kadalasang opening ceremony ay naganap. Matapos ang opening remarks ni Sir Sandro, na siyang adviser ng organization, ay isa isa na kaming dinaluhan ng kaba.
"Relax, girls. We've studied to death. Alam kong kaya natin iyan!" Sabi ni Jasean nang makita niyang nagpa-paypay na si Khean gamit ang kanyang kamay.
"In ten minutes, the elimination round will commence." Anunsyo ng host ng event.
"Oh gosh, oh gosh!!!" Mas lalong napatili si Khean, habang si Mae at Anica naman at tila napapadasal na.
"Why are you not scared, Jesca?! Hindi ka manlang nagpapanic! That's unfair, nasalo ko ata ang lahat ng pwede mong ikatakot." Taas na taas ang isang kilay ni Khean nang lingunin niya ako.
"Kinakabahan ako, ano!" Natawa ako. It's funny declaring something that's not just to keep them from panic attacks.
Nang magsimula naman ang elimination round ay hindi na nila ipinakita ang kaba at takot nila. They play sport and we were all good at it. Hindi kami na eliminate, laking pasasalamat namin kay Jasean. Itinanong niya kasi sa amin ang halos lahat ng nai tanong kaya't nakapasok kami sa susunod na round.
Nahati sa dalawang batch ang elimination round dahil sa dami ng estudyanteng nag participate. Mukhang alam na ng officers ang pakay ng mga estudyante kaya't handang handa sila at walang anomalyang naganap.
Nakapasok din ang grupo nina June, Anj, Jecka at ang isang higher year na ka team nila. Ang alam ko ay classmate iyon ni Jasean dahil nakita ko silang magkausap isang araw.
BINABASA MO ANG
MASH Romantic (Chase Series #2)
RomanceNicole tried doing Mash on their names. For her, it turned Sweetheart. For Drian, it's Angry. Pero loko-loko yata ang tadhana dahil lahat yata ng nasa MASH na ito ay naranasan nilang dalawa. They almost got (M)arried and he was (A)ngry. Then he sudd...