22nd Paper

2.5K 65 11
                                    

22nd Paper

Don't

Desididong desidido akong umuwi ng bahay ngayong araw kaya't hindi ako lumabas ng kwarto. I may lose control as I see Drian outside. Ang inisip ko na lang ay si Gage, at kung paano niya ako pupwedeng aliwin para mawala ang bigat sa pakiramdam ko kung narito siya.

Naka-check in na kaya si Gage? Mami-miss niya kaya ako pagdating niya sa Florida? Maaalala niya kaya ako sa mga susunod na araw? Ano kayang kulay ng damit niya noong umalis siya rito?

Lahat na ay inisip ko para lang hindi mapansin ang pag-kulo ng tiyan ko dahil sa gutom. Simula kaninang umaga ay hindi pa ako kumakain. Ni tubig ay wala. Gutom na gutom na ako. Pero natatakot akong bumaba o lumabas manlang ng kwarto ko.

Bawat minuto ay sinisilip ko ang phone ko para tignan kung may mensahe o tawag si Mama, pero palagi akong bigo. Dapat ay nandito na si Mama. Alam niyang kapag umiyak na ako ay matindi na ang nararamdaman ko. Hindi niya ito basta ipagpapaliban dahil sa pagkakakilanlan niya sa akin na ayos lang ako sa lahat ng bagay kaya't hindi ako basta basta mapapaiyak.

"Jesca..."

Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses niya kasabay ng pagkatok sa pinto. Dahil sa tensyon ay nagtakip ako ng kumot. I don't want to see him yet.

"It's almost five, you have to at least eat."

Kanina ay tila nakakaya pa ng katawan ko ang kawalan ng lakas dahil sa hindi ko pag kain, pero nang sabihin niyang malapit ng mag-gabi ay nanghina ako bigla. Nasaan na si Mama?

Dahan dahan akong tumayo, but when I'm already on my foot I felt too much grogginess that it made me sit on my bed once again. I was busy massaging my temple that I didn't care when the door banged open. And even when Drian now sat beside me. Napapikit na lang ako dahil sa hilo.

"Jesca," malambing niyang tawag, "are you okay? Bakit hindi ka lumabas ng kwarto mo para kumain?"

You're kidding, right? You are too dense, Drian. Intensely dense.

Nang buksan ko ang mata ko ay saktong nakita ko ang pagdadalawang-isip niya kung tama ba na haplusin niya ang likuran ko, o huwag na lang. Ngunit ginawa niya pa rin. He scooted over and leaned on. Ngayon ay sinisilip niya ang mukha kong nakatungo.

"I'm sorry, okay?" Hinahaplos pa rin niya ang likuran ko. Pilit kong iniiwas ang mata ko pero pilit naman niyang hinuhuli ang tingin ko. "Kakagising ko lang kanina noong bumaba ka. And it wasn't a great start for you to ask me to take you to the airport."

"Bakit? I only ask you for one single thing." Mahina kong tanong. Napailing ako. "Ayaw mo nga pala sa akin. I should have known you wouldn't accept any favor. Kaya okay lang."

Huminga siya nang malalim. Ramdam ko iyon. "Kumain ka na, Jesca. 'Cause you aren't leaving this house until Monday morning for school."

"Uuwi ako." Matigas kong sabi. Masyadong masakit ang ulo ko para maramdaman kung gaano kalakas ang epekto niya sa akin. He is STILL affecting me, even in this great fiasco.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon