UNEXPECTED GROOM

70 4 4
                                    

Chapter 2

Flash back

"Wynne!" mukhang galit na tawag ng kaklase ni Wynne na si Pam. Bigla na lang itong sumulpot sa kanyang likuran. Nakaupo siya sa ilalim ng punong mangga sa likod ng kanilang classroom habang nagbabasa siya ng kanyang notes. Vecant time kasi nila. Napalingon naman siya dito.

" Nilalandi mo ba si Bryle?" Nanlilisik ang mga matang tanong nito sa kanya.

"Huh?" Shock sa tanong ng kaklase. "Anong sabi mo?"

"Tinatanong kita kung nilalandi mo ba si Bryle?" Sagot tanong ni Pam.

"Bryle? Sino naman 'yan?" Nagsalubong ang mga kilay na tanong niya.

"Shit! at talagang mag mamaang maangan ka pa huh?" Galit na sagot ni Pam.

"Pinagsasabi mo?" Nagugulohan siya. "Bryle? Ano ba yon? Yon ba yong bra na ka kulay ng aisle?" Natatawang dugtong nya.

"Huwag mo nga akong pinagtatawanan!" Ang galit na galit na si Pam.

"Naku! Pam, tigilan mo ako, hinding hindi kita naiintindihan,. Sino ba yang Bryle na yan? Hindi ko naman kilala yan,"

"Sinungaling! Bakit sabi n'ya sa akin eh... Nilalandi mo raw s'ya?!"
"Ano raw?!" Lalong nagsalubong ang mga kilay na sambit nya.

"Ang sabi ni Bryle sa'kin wag daw ako maniwala sa kung anu-anong maririnig ko tungkol sa inyong dalawa, dahil hindi naman daw totoo ang mga 'yon Gawa-gawa mo lang naman daw ang mga iyon, dahil ako lang naman ang mahal n'ya. Nandidiri nga daw siya sayo dahil lalake ka rin naman na tulad nya pero nilalandi mo sya. Akala mo raw yata papatulan ka n'ya. Na kahit kailan ay hindi mangyayari. Plastic nga lang daw pakikipagkaibigan n'ya sayo. Kaya wag daw dapat akong magagalit kapag nakikita ko kayong nag-uusap at magkakasama." Diridiritsong kwento nito na halos bumubula na ang bunganga sa kakasalita.
Kaya't lalo pa s'yang natatawa sa babae kahit na, naguguluhan siya sa mga pinagsasabi nito.

"Binabalan kitang bakla ka! Layo-an mo si Bryle! Mula ngayon Iwasan mo na sya! Para sa kaalaman mo matagal na n'ya akong nililigawan, at ngayong araw na ito ay sasagutin ko na s'ya para maging akin na sya! Iba na lang landiin mo, yong papatol sa gaya mo! Maliwanag?!!!"

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga narinig niya mula sa bunganga ng babaeng ito. Pero mas madilim pa sa gabing walang buwan ang kung anong ibig sabihin ng mga iyon?
Sino ba si Bryle? Bakit sinasabing lumalandi siya doon?
And... What?! Siya lumalandi? OMG! Kahit kailan never pa siyang lumandi!
Baliw na yata babaeng yon!

......................

Nasa kanika-nilang team ang iba pang kaklase ni Wynne, may mga meeting ang mga ito para sa darating na intramurals ng kanilang school.

Nasa kanilang classroom lang s'ya kasama ng kanyang mga kaklasing ka team.
Nakaupo siya sa silyang nasa mesa sa harapan ng kanilang classroom. Sa may bandang blackboard.

Dumating si Pam, humihingal ito at huminto sa may pinto, "Margs, nakita mo ba si Bryle?" Agad na tanong nito sa isa pa niyang kaklase. At tinapunan pa siya nito ng napakatalim na tingin bago tumuloy sa loob ng room.

"Oo nakita ko s'ya kanina, d'yan sa may bintana ng kanilang classroom."  Sagot ni Margot sa tanong nito.   "Ang dilim nga ng tingin dito, baka hinanap ka at ng hindi ka nya makita, mukhang ikinainis n'ya." Dugtong pa ni Margot.

Tumuloy na sa loob si Pam "Saan naman nakaupo kanina si Wynne?" Tanong uli nito ng makaupo na ito sa kanyang pwesto, dinukot ang suklay sa bulsa ng bag nito at nagsuklay ng buhok.

"Diyan lang sa inuupo-an n'ya." Sagot ni Margot na inginuso si Wynne.

"Ah! Kaya naman pala! Siya ang tinitingnan nu'n. Nagpapacharming kasi! Napakalandi talaga ng bakla na 'to!" Sabi ni Pam na muli siyang tinapunan ng napakatalim na tingin.

UNEXPECTED GROOM   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon