UNEXPECTED GROOM

47 4 1
                                    

Chapter 13

          Biglang gumalaw si Bryle. "Hmmm." Tumihaya. Nagdilat ng mga mata. "Ano 'yan, bakit mo'ko pinagmamasdan?"

       Napakislot s'ya. "Ay butiking clumsy!" Sambit n'ya sa kabiglaan. "Gising ka pa pala?"

         "Pinagnanasaan mo ko, no?" Smiled.

        "Oh, wooii!" Namilog ang mga matang sambit n'ya muli.

         "Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Bryle.

         "Hindi ako makatulog , eh!" sagot n'ya na bumangon  at umupo sa gilid ng kama sa banda ng kinaroroonan ni Bryle.

         "Bakit?" Tanong nito.

         "Sa hindi ako dinadalaw ng antok."

          "Hmmm, okay, humiga ka na ulit, baka makatulog ka na mayamaya."

         "Ikaw ba, nakatulog ka bang talaga?"

         "Hmmm, hindi. Kaya nga alam kong pinagmamasdan mo'ko eh!"

         "Hindi kaya!" He is blushing. Mabuti na lang hindi halata dahil lampshade lang ang ilaw.

          "Hindi, nakita ko, eh!" Smiled.

          "Wag ka nga! Tiningnan ko lang naman kung okay ka lang ba talaga na d'yan natutulog sa lapag."

           "Uhmmm, okay! Sabi mo eh." Pagkasabi'y nagtalukbong agad ito ng kumot. "Mahiga ka na ulit, pasasaan ba't makakatulog ka rin mamaya."

          "Mukha ka rin namang nakatulog no?"

          "At least sinusubukan ko."

          "Oo na, Ikaw nang magaling!"

          Hindi na ito nagsalita, tumagilid muli ito patalikod sa kanya, habang nakatalukbong ng kumot.

          "Wooii! Okay ka lang ba talaga d'yan?"

          "Oo."

          "Sigurado ka?"

          "Oo, wag ka nang makulit!"

          "Bahala ka nga!" Humiga na rin s'ya.

          Katahimikan.

          Five minutes past. Pumihit muli siya at muling umisod-isod sa gilid ng kama patungo sa bandang kinaroonan ni Bryle.

           "Bryle, Bryle!"

           "Ano na naman?" Tanong nito na hindi man lang gumagalaw.

           "Lalong hindi ako makatulog, eh!. Kasi... nag-aalala ako na baka... kaya ka hindi makatulog dahil hindi ka nga comfortable d'yan."

           "Hindi nga-eh, ang tigas-tigas kaya ng sahig," Muli itong tumihaya upang tumingin sa kanya.

           "Sabi ko nga!"

           "So anong gusto mong mangyari?"

           "Wooiii hoyy! Mangyari ka d'yan!" Namilog na naman ang kanyang mga mata.

          "Luh?! Anong mali sa sinabi ko? Nagtatanong lang naman ako kung anong balak mo?"

           "Balak, ko?!"

           "Ewan ko sa'yo, huh? Iba na yata naiisip mo d'yan!"

           "Hoyy! Hindi ah!"

UNEXPECTED GROOM   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon