Chapter 9
Kunot noong pinagmasdan si Wynne ni Bryle ng may halong pagtataka.
"Wynne!" Yog-yog nito sa kanyang balikat ng minuto na ang nakalipas at tulala pa rin siya.
"Huh?!" Sambit n'ya at napakurap-kurap.
"Napano ka? Bigla ka na lang natulala."
" Ahh ehh! Kasi... Ahm, inisip ko lang naman kung ano nga ba ang gagawin ko kung ako yong nasa sitwasyong ganoon."
"Ah gano'n ba? Kala ko naman napano ka na," Buntong hininga ni Bryle. "So, ano naman kaya ang gagawin mo? Aling choice ang pipiliin mo?" Dugtong pa nito na ibinaling ang paningin sa gitna ng sayawan.
"Hindi ko alam, Ewan, ang hirap!"
"Uhmmm!" Nagbuntong hininga muli."Napakahirap nga!" Sagot nito na nasa gitna pa rin ng sayawan ang paningin.
"Bakit, ikaw ba ang nasa sitwasyon?" Tanong niya(ni Wynne).
" Huh?!" Mukhang ikinagulat naman nito ang tanong n'ya.
"Hindi ah!" Sagot nito na muling humarap sa kanya.
"Eh, sino ang nasa sitwasyon? Kaninong problema yon?"
"Ah, ehh... Yong... Pinsan ko! Oo, s'ya, s'ya yong nasa sitwasyon na yon." Kanda-utal na sagot nito.
"Pinsan?!" Natigilang sambit ni Wynne. At namilog ang mga matang napatitig dito.
"Hmm," huminga muli ng malalim.
"Pinsan mo? Sino? Kilala ko ba?" Sunod-sunod na tanong niya.
" Hindi naman siguro, kasi'y hindi naman siya dito lumaki at nag-aral." Sagot nito na muling inilipat ang paningin sa gitna ng sayawan.
"Mabait ba s'ya?"
"Oo." Tipid na sagot nito.
"Sigurado ka?"
Napakunot ang noong binalingan muli siya nito. At napatitig sa kanya.
"Oo, syempre close kami no'n kaya subrang kilala ko ugali no'n."
"Hindi naman ba s'ya sadista?"
"Ano?" Bigla itong nagulohan, dahilan upang lalo pang mapatitig sa kanya. "Ano bang klaseng tanong 'yan? Sa daming pwedi mong itanong, yan pa talaga?"
"Huh! Ahh, ehh! Wala... Wala!" nalilitong sagot niya.
"Nangyayari sa'yo?" Takang-taka na talaga ito sa kanya. "Bakit ba ganyan ka na lang makapagreact?"
" Wala nga sabi, na curious lang ako!"
"Ibang klase..." Napailing ito.
"Means?" Tanong n'ya.
"Ibang klase ka macurious, pati pagkasadista pumasok pa talaga sa isip mo,"
"Eh, sa naisip ko! Ano naman?"
"Sabi mo eh!" Nagkibit balikat na lang ito at tinitigan sya muli.
Titig na titig ito sa kanya na napakaseryuso ng mukha. Panay buntong hininga."Hoyy! Ano?" Nakaramdam na siya ng pagkailang. "Bakit ganyan ka makatingin?"
Isa pang buntong hininga ang pinakawalan bago magsalita. "Matanong nga kita, kung sakaling ako 'yong nasa sitwasyon, anong gagawin mo? Sakali lang, huh?"
"Seryuso? Tinatanong mo ako n'yan?"
"Oo. Mukha ba akong nagbibiro?"
" Luhh? Ano bang gagawin ko? Ehh de wala!"
"Wala ba talaga?"
"Wala nga! Ano naman ang pakialam ko sa inyo?"
"Hindi mo man lang ba susubokang tumutol o di kaya'y itanan ako?"
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED GROOM
General FictionNakatakdang ikasal si Wynne sa isang lalakeng ni Hindi nya kilala, kahit sa pangalan man lang. Halos ikamatay nya ang problemang iyon, lalo na ng malaman nya mula Kay Bryle ( ang taong labis na labis nyang minamahal ng lihim) na, pinsan daw nito ang...