Chapter 20
Final chapter (the last part).
Sa reception, nakaupo sa presidential table ang mga Ninong, Ninang, Mga abay, flower girls, ring bearer, and of course both parents ng newly wedd couple.
Natuon ang paningin ni Wynne sa lalakeng katabi ni Nani, bago lang ito sa kanyang paningin. Isa rin itong lalakeng abay dahil ang suot nito ay katulad ng kay Nani at sa dalawa o tatlo pang kaibigan nito. Infairness, cute at gwapo din ito.
"Babe, before tayo kumain, pakilala ko muna sa'yo ang pinsan ko na palagi kong isinangkalan bilang groom mo." Ang sabi ni Bryle na iginiya siya papalapit sa kinaroroonan nina Nani.
Wow, ang cute nga din talaga ng guy na ito! He's smiling while looking at them na papalapit sa kinaroroonan ng mga ito. Lumitaw ang dimples sa magkabilang pisngi na nakadagdag sa ka-cutan nito.
"Ahmm, babe, si Dew," pakilala agad nito ng makarating sila sa kinaroroonan ng mga lalakeng abay.
Inilahad ni Bryle ang kanang kamay sa harapan ng cute guy, it's a sign na ito ang ipinakikilala sa kanya bilang pinsan. "Ang pinsan ko na nagmana sa kapogian ko." Pabirong dugtong na sabi ng kanyang asawa.
Dahil sa sinabi ni Bryle. Nag ngisihan ang limang lalakeng abay na magkakaibigan at magkakatabi sa pag upo,.
"Dew, si Wynne my pretty boy and cutiest husband," Pakilala naman sa kanya ni Bryle sa pinsan nito.
"Hello, Wynne! Kumosta ka? Ako si Dew, ang pinsan ni Bryle, na nagmana lang pala sa kapogian n'ya," pabirong sabi nito na inilahad ang palad sa kanya para makipag shake hands.
Natatawa din siyang inabot ang kamay nito, at saglit na nakipag shakes hands dito.
"Wag ka nang magreklamo dahil 'yon ang totoo!" Pabiro pa ring sagot ni Bryle sa pinsan.
"Ngayon ko lang talaga nalaman na sa'yo pala ako nagmana, ang buong akala ko kay Daddy ako nagmana." Biro ding sagot ni Dew, at marahan silang nagtawanan, kasama ang limang abay na boys na sina Nani and friends.
"Ahm, babe, siya din pala ang boyfriend ni Pam ngayon," Dugtong pa na pagapakilala ni Bryle sa pinsan.
"Ah, yes," Tumango si Dew. "Yes! Pam is my girlfriend," pag amin nito sa kanya.
"Ah, Okay!" Patango tango naman s'ya.
"Oh, s'ya sige guys! Punta na muna kami ni Babe sa pwesto namin," Paalam ni Bryle sa mga ito. "Leka na babe," at hinawakan na siya nito sa kamay at iginiya patungo sa kanilang upoan.
ALAS OTSO na ng gabi ng magsiuwian ang mga bisitang ayaw mag over night sa resort at nasa malayo nakatira.At alas nuebe na ng gabi ng lumipat ang ibang bisita sa mga cottages ng beach at doon na itinuloy ang pag-iinom, habang nag na-night swimming. At mag o-over night dito.
Syempre kinakabahan na si Wynne sa mangyayari maya-maya. Sa napakalagkit na lang na mga titig ni Bryle sa kanya, alam na n'yang na aatat na ito.
Inaamin n'ya na ganoon rin naman ang kanyang nararamdaman. O should he say, baka siya pa nga itong atat na atat na makalampungan na ito. Hahaha! Napaka naughty din ng isip n'ya!
Sa totoo lang, kung hindi lang talaga nakakahiya sa mga bisita, baka siya pa ang kanina pa nag aya rito na pumanhik na sa kanilang kwarto. Haayy naku! Napakahalay na talaga ng isip n'ya. Hahaha!
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED GROOM
General FictionNakatakdang ikasal si Wynne sa isang lalakeng ni Hindi nya kilala, kahit sa pangalan man lang. Halos ikamatay nya ang problemang iyon, lalo na ng malaman nya mula Kay Bryle ( ang taong labis na labis nyang minamahal ng lihim) na, pinsan daw nito ang...