Chapter 16
"Paano kang nakarating? Di ba nagtake ka pa lang ng final exam?" Tanong ni Wynne.
"Hmm, Oo," sagot ni Bryle na nanatiling sa labas ng kotse nakatingin.
"Then, pano'ng nandito ..."
"Tapos ko na, nai-take 'yong ibang subjects kahapon." Sagot kaagad nito, hindi manlang pinatapos ang sasabihin n'ya. "Then nakiusap ako sa mga professor ko kanina, na kung pwede kong e- take ng mas maaga 'yong dalawa pang subjects na natira, na kung pwede mauna na ako sa iba pang mga styudante, dahil may napaka-importanting event akong pupuntahan, na hindi ko dapat ma missed. And then pumayag naman sila," Mahabang paliwanag nito at ibinaling nito ang paningin sa kanya. "Then, kaagad na akong nagpunta ng airport, pagkatapos na pagkatapos ko lang ng exam. Hoping na may mararatnan pa akong flight."
Napatanga na lang siya n nakatingin dito. "Wow huh? Nag-effort pa talaga!" Sa isip n'ya.
"Mabuti na lang delayed 'yong isang flight dahil may mga VIP passenger na hinintay." Dugtong pa nito, habang nakatitig sa kanya.
"Ah, okay!" Soft voice na sagot n'ya, at itinuon paningin sa front window ng kotse, para makaiwas sa titig nito.
Napabuntong hininga naman ito. "Wala ka namang sinabi sa'kin na top one ka pala sa bacth ninyo."
"Hindi ka naman nagtanong,"
"Kailangan ko pa bang magtanong?" Namilog bigla ang mga mata nito.
"Malamang!"
"Haayy grabe!" Napakamot ito ng batok. "Hindi ka rin naman magre-reply kapag nag me-message ako."
"Ano namang ere-reply ko sa mga paulit- ulit na messages mo?"Nakasimangot na sagot tanong n'ya. Nakatuon pa rin ang paningin niya sa labas ng kotse sa harap na bentana.
"Bakit, ano ba dapat sasabihin ko?"
"Ewan ko sa'yo, para kang tanga!"
"At least gwapo naman!"
"Oo na, wala namang nakikipagtalo sa'yo d'yan sa kagwapohan mo!" Ang tulis na talaga ng nguso n'ya.
"Ikaw nga, eh! napakasungit mo!" Itinuon na rin nito ang paningin sa labas ng kotse, sa harapang bentana.
Napairap naman siya dito, dahil sa sinabi.
"Mabuti pa nga ako nag me-message -eh! Ikaw nga ni isa wala. Tapos napakadalang pa magreply,"
Simangot at irap lang ang tugon niya rito.
"Mabuti na lang nakaka-usap ko palagi sina Mama't Papa, sa kanila ko nalalaman lahat ng ginagawa mo,"
"Ano?!" Sambit n'ya na kaagad napaharap dito. "Seryoso?"
"Oo, nakaka chat ko sila bago matulog sa gabi, paminsan-minsan pagkagising sa umaga."
Tinitigan n'ya ito, kung nagsasabi ba ng totoo o nag jo-joke lang.
"May GC kami sa messenger. Si Mama ang gumawa ng GC, at kaming tatlo lang member doon."
'Yong pagtawag talaga nito ng Mama- eh, no?
"Palagi akong nagsusumbong sa kanila na hindi mo ako nererplayan, kaya't sa kanila na lang kita kinukumusta,"
"At bakit mo naman ako kinukumosta sa kanila?"
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED GROOM
Fiction généraleNakatakdang ikasal si Wynne sa isang lalakeng ni Hindi nya kilala, kahit sa pangalan man lang. Halos ikamatay nya ang problemang iyon, lalo na ng malaman nya mula Kay Bryle ( ang taong labis na labis nyang minamahal ng lihim) na, pinsan daw nito ang...