UNEXPECTED GROOM

37 6 0
                                    

Chapter 18

       Tanaw  kaagad ni Wynne  ang napakaraming tao. Halos mapuno na ang ground nitong rest house, maging sa ground ng swimming pool. At pati na rin sa mga cottages ng beach. Alam niyang mga bisita rin ang mga nandoon dahil puro mga nakapormal attire ang mga iyon.

         Dumeritso sila ni Nani sa Video OK Bar sa ground nitong rest house.

         Natigilan siya sa mga nakita. Naroon ang buong Pamilya niya. Ang Mama n'ya na nakasuot ng pormal dress, ang Papa n'ya na nakasuot ng suit. Si Mikee na nakasuot ng kulay ment green na gown at may bitbit na maliit na basket na may lamang mga bulaklak. "OMG! Mikee is a flower girl?" Tanong na namuo sa kanyang isip.

        At si Micko, napaka cute nito, na bumagay sa suot na little suit na siguro'y ito rin ang ring bearer. Naroon din sina Mira at Earn na nakasuot ng kulay ment green simple gown. 

           "So mga brides made din ang dalawang ito!" Sa isip n'ya ulit.

         At ang Mommy ni Bryle na nag standout ang ganda sa suot na simple rin pero mamahaling gown. Maging ang Daddy na lumitaw din ang kapogian sa suot na suit.

          Paglingon niya sa kabilang side, may nakita pa siyang dalawang batang babae na nakasuot ng katulad kay Mikee. Naroon din ang dalawang lalakeng kasama ni Nani kanina sa school, na nilapitan ni Bryle pagkatapos ng kanilang picture taken.  Naka suot din ang mga ito ng suit na katulad ng suot ni Nani.

            Isang pamilyar na kanta ang kanyang narinig na itinutogtog ng musical instrument sa loob din nitong bar. Katamtaman lang ang sounds, hindi 'yong subrang lakas na halos nakakabingi na, hindi rin subrang hina na halos hindi na marinig.

          Napaka lamig ng boses ng dalawang singer na nagdu-duet sa  pagkanta ng awiting ito, so cute sa kanyang pandinig, lalo pa't one of his favorite song ang kinakanta ng mga ito. Ang 'AT MY WORST' song.

          OMG! Halos takasan na siya ng malay ng makita ang video sa malaking TV screen. Siya at si Bryle?! Silang dalawa pala ang may-ari ng boses na kanyang naririnig na kumakata!

         'Yong pagkanta nilang iyon sa contest ng team star partner duet noong intramurals nila sa school three years ago, ay may video? At naka-save pa rin sa family Chevaree hanggang ngayon? O naka save pa rin sa memory ni Bryle?

          Nakaka shock-tay na talaga ang mga pasabog ng Pamilyang Chivaaree na ito. Grabe ang mga paandar.

         "Hey, Tara na!" Pukaw ni Nani sa kanyang pagkatulala. Hinawakan siya nito sa braso para igiya papalapit sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang.

        "Te'ka sandali!! Pigil n'ya rito. "Sinong kumuha ng video na yan?" Inginuso niya ang TV screen.

          "Bakit?" Sagot tanong ni Nani.

          "Nagtataka lang ako kung bakit merong ganyan?" Sagot n'ya.

          "Ahm, eh... Ako lang naman ang kumuha ng video sa inyo noon, naisip ko lang na, para magkaroon kayo ng souvenir, kung sakali magkatuloyan kayo in the future. At ito natupad na nga!" Nakakaluko ang ngisi ni Nani. "Idol ko kasi kayong dalawa-eh, number one fan ako ng love team n'yo noon! At magpahanggang ngayon,"

           "Loko-loko ka talaga, No? Sarap mong batukan!" Irap n'ya dito. "Ginawa mo pa talaga kaming artista,"

           Natawa lang ito. "Matagal nang naka-save kay Bro yan, Naka-save lalo sa puso n'ya."

         "Te'ka! Na sa'n nga pala ang Bro mo na 'yan? Bakit hindi ko s'ya makita?" Pinasadahan niya ng tingin ang buong paligid.

          "Relax, makikita mo rin s'ya. Okay? Tayo na join na muna tayo sa kanila." Inginuso nito ang kinaroroonan ng kanyang family. At iginiya na siya nito papalapit sa mga iyon.

UNEXPECTED GROOM   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon