UNEXPECTED GROOM

38 5 0
                                    

Chapter 15

         Wynne's Graduation day.

         Subrang miss na miss na n'ya ang asawa.

         Natapos lang ang three days na honeymoon nila noon, na wala man lang nangyari sa kanila. Nauna pa nga itong umalis noon dahil kailangan na nitong magbalik ng Manila para sa pag-aaral. Siya naman ay naiwan muna sa resort kasama ang parents nito, dahil kinailangan pa niyang magpahinga ng at least two days pa, dahil sa nangyaring aksidente sa kanya. At two days  din siyang absent sa school that time.

         At ang two days na iyon ay parang two months na sa pakiramdam n'ya. Parang mababaliw na nga siya noon sa subrang lungkot. Kahit nga kaaalis lang ay subrang miss na n'ya agad ito. Lagi pa s'yang mag-isa noon sa kwarto, wala man lang makausap, mabuti pa nga siguro kung sa kanila na lang siya nagpahinga, dahil nandoon ang mga makukulit n'yang kapatid na makakabonding n'ya that time.

         Subrang sakit kaya sa pakiramdam n'ya noong nagpaalam na ito na aalis na. Gustong-gusto na nga sana niya itong yakapin ng subrang higpit at magmakaawa na mag-stay na muna at sabay na lang silang umalis sa resort. Ngunit nanaig pa rin ang nararamdaman niyang hiya para rito.

          Medyo naibsan lang ng kunti ang kanyang lungkot that day dahil sa wakas habang nasa b'yahe ay nag-fallow ito sa IG n'ya. At nag friend request sa Facebook. Kaagad naman niya itong fin-fallow back. At in-accept ang request sa FB. Pero hindi naman ito mahilig magbukas ng FB. IG ang palagi nitong binubuksan. At sa loob ng isang buwan, ang mga messages lang nito sa kanya ay puro lang,

        Hello!
        Kumosta?
        Good morning!
        Eat your breakfast on time.
        Good noon?
        Eat your lunch on time,
        Good evening!
        Eat your dinner on time.
        Good night, asawa ko!
        Wag masyadong magpuyat.
Then nere-replyan n'ya naman,
        Ikaw rin d'yan.
        Same to you!
        Salamat!
        Thank you!

        Parang mga tanga lang. Nakakasawa na nga eh. Kakatamad na basahin 'yong paulit-ulit na messages araw-araw.

         Halos hindi na nga lang niya binubuksan ang messages nito.

         At ngayon ay one month na lang ang nakaraan, wala namang pinagbago.

      
         DARATING KAYA s'ya? Tanong niya sa sarili.
         
       Ilang minuto na lang kasi    magsisimula na ang graduation ceremony. Wala pa rin si Bryle. Pati parents nito, hindi n'ya rin makita. Ang sabi'y a-attend ang mga ito. Pero bakit wala pa rin?

        Bahala sila! Ang importante naririto ang mga magulang at mga kapatid n'yang sina Mikee at Micko.

        Hindi man lang ba talaga siya naging mahalga sa puso ng asawa n'ya?

        Kahit high school graduation pa lang niya ngayon, mahalga pa rin naman ang pagkakataong ito sa buhay n'ya. Lahat naman ng magtatapos ng college, dumadaan muna sa pagtatapos ng high school.

        Oo, dapat ay nasa college na siya ngayon, pero dahil sa nangyari at pinagdaanan sa pamumuhay nila noon, kinailangan niyang tumigil muna sa pag-aaral.

        Pero ito ngayon ay magtatapos na rin naman siya ng high school. Isa pa rin itong accoplishment ng buhay n'ya.

         "Sir, Wynne!"

         Napalingon siya sa isang lalakeng hindi niya kilala na papalapit sa kanya.

         "Sir, ako ho si Robert, isa sa mga driver ng Chivaaree Family." Pagpapakilala nito sa kanya, na yumukod at nagsign of praying. "Pinabibigay po ito sa iyo ni Mrs. Chivaaree. Congratulation daw ho!" Inabot nito sa kanya ang tatlong box ng gift.  "At humihingi ho sila ng paumanhin kung hindi sila makarating. Pinaka- importanting papelis daw ho ang kanilang inaasikaso ngayon."

UNEXPECTED GROOM   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon