UNEXPECTED GROOM

34 6 0
                                    

Chapter 17

       Nagtaka si Wynne kung bakit bumalik agad si Bryle samantalang tatlong minuto pa lang naman ang lumipas.

         "Makakatok naman 'to, parang wala nang bukas pang darating!" Pagmamaktol niya habang papalapit sa pinto.

         "May nakalimutan ka ba?" Tanong n'ya kaagad ng mabuksan ang pinto. "Nani?!" Sambit n'ya ng ito ang makita sa labas ng pinto.

         "Yeah, it's me!" Ang sagot nito.

         "Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong niya habang sinisipat ang ayos at suot nito. From head to foot and from foot to head. "Isa ka ba sa mga abay ng kasal?" Dagdag na tanong n'ya. Naka suit kasi ito at napakapormal ng porma.

           "Ahm, oo, I'm one of them" sagot naman nito.

           "Ah okay!" Nagpatango-tango siya. "So bakit ka nga uli narito?"

           "Ahm, before ko sagutin yan, can I get inside first?"

           "Huh?! Eh, wala naman dito ang... si Bryle... Baka... Eh..."

          "Wala kang dapat ikatakot. Hindi ko naman tatalohin ang bro ko!" Sagot nito sa pagkakautal n'ya. "Ang totoo'y inutosan niya ako na samahan muna kita rito, habang nagpapapogi pa s'ya doon sa baba. Para daw hindi ka ma bored dito sa kaaantay sa kanya,"

          "Huh?! What do you mean?"

          "Sandali lang," ang sabi, at nag dial ito ng number sa phone.

         "Hello, Bro!" Narinig niyang sagot ng nasa kabilang linya.

       "Yes hello! Nandito na ako sa harapan ng pinto-an ng room ninyo. Pero ayaw akong papasukin ng asawa mo eh!" Sagot naman ni Nani.

           Narinig niyang natawa ang nasa kabilang linya. "Bigay mo sa kanya ang phone, kakausapin ko."

          "Oh, kakausapin ka daw," inabot nito sa kanya ang hawak na phone.  
       
           Kinuha n'ya naman ito. "Hello," bati n'ya.

          "Papasukin mo na s'ya. Ako nag-utos sa kanya na samahan ka muna d'yan." Sagot ni Bryle sa kabilang linya.

          "Ah,okay!" sagot n'ya naman.

          "Sige, ibalik mo na sa kanya 'yang phone. Bye na muna busy pa ako dito."

          At ibinalik na n'ya ang phone sa kaharap.

          "Sige na, pasok ka na,."

          "Hay, salamat!" Sambit naman ni Nani at tumuloy na sa loob. Umupo ito sa gilid ng kama. At itinukod patalikod ang mga kamay nito sa kama.  

         Habang siya naman
ay nanatiling nakatayo sa may pinto, at tinitingan lang ito.

         "Ahmm, so boring nga naman rito. Ano kaya ang pwede nating gawin para hindi ma-bored habang hinihintay natin s'ya,  ang asawa mo."

           "Ewan." Kibit balikat n'ya.

           " How about, manood na lang tayo ng TV.?"

           "Bahala ka!" Sagot n'ya.

           Tumayo ito at tinungo ang kinaroroonan ng TV. Dinampot ang remote at pinindot pindot. "Sira ba 'to? Bakit ayaw gumana?" Sinipat-sipat  nito ang likuran ng TV. "Hayy! Kaya naman pala ayaw gumana hindi naman pala nakasaksak sa kutyente." Ang sabi habang imaabot nito ang cordon wire ng TV.  At pinindot muli ang remote ng maisaksak na nito sa kuryente, at nagbukas ang TV.

UNEXPECTED GROOM   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon