UNEXPECTED GROOM
Chapter 6Awarding night.
Part two of the program. The awarding program.Panay ang akyat nina Bryle at Wynne sa stage, dahil halos lahat ng games ay first placer sila. Liban na lang sa solo singing contest, dahil second placer lang si Earn, at masaya pa rin sila doon. First placer din sila sa singing duet.
"And for the best star partner 3rd placer is yellow team!" Pagpapatuloy ng Emcee sa pag announce ng mga nanalo.
"2nd placer is red team!" emcee #2 announced.
"At ang pinaka best team star partner ay... Sila yong nag pasaya ng ating events since day one, ang kanilang uniqueness na nagpakilig ng subra sa atin. The way the act, the way they talk, they smile and they treated for each other,... " emcee #1 explained.
"Yes, they are always spotted. Lahat ng kinikilos ng star partner sa events since day one are recorded. Bawat galaw nila ay may nagbabantay, because doon naka base ang criteria kung paano pumili ng best team Star Partner. Siguro naman sinabi sa inyo ng mga teachers sa bawat team na dapat mag-ingat sa mga kilos at galaw ang mga star partner dahil may posibilidad na ma disqualify kapag may makitang hindi maganda as a rule model of the team. Nakita naman siguro nating lahat, kung sino ang karapatdapat, Am I right? " dugtong ng host #1.
"And now for our best star Partner, the STAR PARTNER of the year is from... green team!" Host #2.
Malakas na palakpakan at hiyawan ng green team.
"Leadies and gentlemen, our Star Partner of the year, Mr. Bryle Chivaaree and his Muse Wynne Metawin." Pagpakilala ng host.
Tela King and Queen na umakyat ng stage ang dalawa, utos ng kanilang teacher ng team na gano'n ang gawin. Nakahawak si Wynne sa braso ni Bryle. May back ground marching music pa, yoong music kapag pumapaso ng stage ang mga King and Queen or Prince and Princess.
"Tinatawagan ko ang mga teachers ng green team. Please come on stage, to crown and pinning of such for our lovely Star Partner of the year." Host #2.Bryle and Wynne crowned as a Star Partner of the Year. Pinned such, and received a trophy.
Dahan-dahan na silang humakbang pababa ng stage pagkatapos makuronahan. Ng biglang pigilan sila ng isang host.
"Wait!" Host #1. "Bryle and Wynne, bumalik muna kayo rito!"
Sabay silang napahinto sa paghakbang. Humarap at dahan-dahan pabalik sa gitna ng stage.
"May natanggap pa kaming isang white envelope, na ngayon-ngayon lang inabot sa amin rito." Sabi naman ng pangalawang host. Habang binubuksan ang nasabing white envelope. "Naglalaman ito ng computerized written na nagsasaad ng isa pang special award."
Biglang kinabahan si Wynne, pumasok kaagad sa isip n'ya na baka tungkol ito doon sa silly reward na pinagsasabi n'ya kanina.
"Okey, babasahin ko na,,, at ang laman ng envelope ay nagsasaad ng isang special award for our Prince, Mr. Bryle Chivaaree," pagpapatuloy ng host #1.
"At ito ay ang 3 kisses from Wynne Metawin, his Muse!"
Shocking! For them both.
"Damn!" Sambit ni Wynne. At tama nga ang kutob n'ya.
Naghiyawan ang buong green team sa audience section.
Napatitig naman si Bryle kay Wynne, at napailing na lang.
"Kiss!" Ang sigaw ng buong green team.
"Wynne, ready ka na bang ibigay ang award para kay Bryle?" Host #2 asked.
Hindi sya makapagsalita, basta ang alam nya, inis na inis siya sa lahat! Maging sa sarili n'ya.
"And you Mr. Chivaaree, ready ka na bang e-claim ang reward mo?" Host #1 asked.
"KISS!!!" Sigaw muli ng mga audience.
Napatingin si Bryle sa mga ito (sa audience), habang si Wynne ay nakasimangot, na sa side ng stage nakatingin.
"Go ahead, Bryle, Claim it!" Host #1 proceed.
Ibinaling ni Bryle ang paningin kay Wynne, at huminga ng malalim. "Ahm! Ma'am, na claim ko na po kanina ang reward, binigay na po ni Wynne." Sabi nito ng hindi inalis ang paningin kay Wynne.
Naibaling bigla ni Wynne ang kanyang paningin dito. Nagkatitigan sila. Medyo nakahinga siya ng kunti. At na idalangin na sana'y maniwala ang lahat sa sinabi ni Bryle, at tigilan na sila ng mga ito.
"Owws! Really?" Hindi naniniwalang tanong ng host #2.
'Haaayyy! Sarap sapakin ng mga 'to!' Sigaw ng isip ni Wynne. Ang tinutukoy ay ang dalawang host.
"Ma'am, wag po kayong maniwala d'yan! Hindi totoo yan!" Sigaw ng isa sa mga ka-team nila.
Napalingon si Wynne sa kinaroroonan ng sumigaw na iyon, hindi n'ya naman matukoy kung sino.
"Kiss! Kiss! Kiss!" Pagche-cheer ng mga audience.
'Ang sarap din batohin ng granada ng mga ito, eh!' Sigaw ulit ng isip ni Wynne.
" Go ahead Bryle, claim your reward now! Tumatakbo ang oras at lumalalim na ang gabi," Host #1 again.
Aba! Kasama pa ba 'to sa pagkakaroon ng grades nila sa events? Eh, daig pa nila ngayon ang mga artista sa Theater!
"Segi na Bryle, upang masimulan na natin ang sayawan." Host #2.
"Ma'am can I ask?" Bryle said.
"Yes, go ahead," host #1 replied.
"Who will kiss, me or he?"
"Damn!" Sambit ni Wynne.
Patay na! Josko Lord ano ba tong pinasok ko?
"I'm sorry!" Pabulong na sabi ni Bryle sa kanya.
Parang gusto na lang niyang magpalamon sa lupa.
"Wynne, who will kiss daw? You or he?" Host #2 asked.
"It's up to him!" Wala sa loob na naisagot n'ya.
Naghiyawan muli ang mga audience.
"Bryle?" Host #2.
Nagtinginan ang dalawa.
"Me?" Pabulong na tanong nito sa kanya.
"It's up to you! What you want?"
"Me,"
"OK, do it now!"
"Where?" Bryle asked. Pabulong pa rin.
"Damn, in my foot!"
"Hey guys, magbubulongan na lang ba kayo?" Host #1.
"I'm sorry!" Bulong ni Bryle sabay halik sa kanyang kaliwang pisngi.
Naghiyawan na naman ang mga audience.
"Ang sarap talaga batohin ng granada ang mga ito! Ginawa na lang ba silang katuwaan!" Ang mga salitang nagtatakbohan sa isip ni Wynne. At pinahid ng kanyang palad ang pisngi niyang nadampian ng lips ni Bryle.
"Okay, may dalawa pa, isa pa lang yon, 3 kisses yon diba?" Patuloy ng Host.
"Haaayyy!" Buntong hininga ni Wynne. Hindi na ba kasi sila titigilan ng mga 'to?
Itinapat muli ni Bryle ang bibig sa michrophone at nagsalita. "Ma'am, tapos na po kasi talaga kanina, bago magsimula ang program."
"Hmmm, Hindi naman namin nakita, malay namin kung nagsasabi kayo ng totoo o hindi." Host #2 replied.
"Tamaan sana kayo ng kidlat! Devils!" Sambit ni Wynne na si Bryle lang ang nakarinig dahil hindi naman siya naka-mike.
"Ikaw kasi, bakit ganoon pa yong mga sinabi mo kanina," Sagot sa kanya ni Bryle. Walang mike.
"Joke lang naman talaga kasi yon, malay ko bang mangyayari ang ganito!" sagot nya naman dito. "Halika nga at nang matapos na to!"
"Anong ga..." Hindi na natapos ang gustong itanong ni Bryle, ng bigla siyang lumipat sa kaliwang side nito.
"Kiss me here!" Sabay turo ng kanyang kaliwang pisngi. "Hurry!" Utos nya.
Humalik naman si Bryle.
Kaagad naman siyang humawak sa kamay ng host para itapat ang bibig sa mike. "Yan na po ang pangalawa!" Nagpipigil sa inis na sabi nya. "And here is number 3, " pagkasabi'y agad siyang humarap kay Bryle, hinawakan ang magkabilang pisngi nito at mabilis na hinalikan ito sa lips.
Namilog ang mata ni Bryle dahil sa pagkabigla! After 5 seconds kaagad nang inangat ni Wynne ang kanyang mukha mula sa pagkakadikit sa mukha ni Bryle.
Naghiyawan lalo ang mga audience. Habang parang tuod na nakatayo lang si Bryle. Because he felt like a thousands volts of electricity runs into his whole body when, Wynne's lips sticked to his lips.
"Tsskk!" Napailing at napatalim ang tingin niya kay Bryle ng makitang natulala ito. "Makababa na nga! Baka pati ako matamaan ng kidlat dito!" At agad nang tumalikod para makababa ng stage.
Napakurap-kurap naman si Bryle ng marinig nito ang sinabi nya , at kaagad na siya nitong sinundan pababa. Naabutan naman siya nito kaagad bago pa man sila nakarating sa baba, kaya't magkasabay pa rin silang nakabalik sa mesa ng kanilang team.
"Congratulation, Tol!" Salubong kaagad ni Nani sa kaibigan. Inilahad pa nito ang kanang kamay para makipag shake hands. Inabot naman ni Bryle ang kanang kamay at nagbro high five ang dalawa.
"Anong feelings?" Sumilay nanaman kay Nani ang kapilyohan.
"Sira ulo ka talaga!" Asik ni Bryle dito.
Si Wynne naman ay gusto na niyang batukan si Nani.
Sinimulan na ang sayawan.
Ilang minuto ang nakaaran ay nawala sa paningin ni Wynne sina Bryle at Nani. Ewan n'ya kung saan nagpunta ang mga 'yon.
Mula sa yellow team table sa tapat, ay agad nagpunta si Pam sa table ng green team ng makitang wala si Bryle dito.
"Tumayo ka nga muna d'yan!" Ang mataas na boses ni Pam. Na kaagad hinawakan sa kaliwang braso si Wynne at hinablot upang mapatayo. "Mag-usap muna tayo!"
Sa lakas ng paghablot nito muntikan pang matihaya si Wynne kasama ang inuupoan niyang plastic chair. Kaya't kaagad na siyang napatayo.
"Ano na naman ba ang problema mo?! Bigla-bigla ka na lang nanunugod" Harap niya kay Pam.
"Problema? Ikaw ang problema ko!"
"Huh? Ako?" Sambit n'ya, na itinuro ang sarili.
Tumawa ito ng mapakla. "Oo! Sino pa ba sa akala mo?"
" Hmmm?! At paano mo naman ako naging problema? Bakit, ikaw ba nagpapakain sa akin?" Pilisupong sagot n'ya. Naamoy niyang amoy alak ito. Nagulat pa s'ya ng mapagtantong naka inom ito, dahil ang bata-bata pa nito para matuto na ng pag-inom ng alak.
"Ano naman ang pag-uusapan natin?" Tanong niya rito.
" Tara doon tayo!" Itinuro nito ang sulok ng auditorium. "Doon ko na sasagutin 'yang tanong mo."
To be continue.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED GROOM
General FictionNakatakdang ikasal si Wynne sa isang lalakeng ni Hindi nya kilala, kahit sa pangalan man lang. Halos ikamatay nya ang problemang iyon, lalo na ng malaman nya mula Kay Bryle ( ang taong labis na labis nyang minamahal ng lihim) na, pinsan daw nito ang...