SA14

5.2K 238 55
                                    

Regina's POV

Anong ginagawa ng Chimpanzee na yan dito? Gusto ko sana hablutin ang kamay ni Miss Fuentes pero para narin akong napako sa kinakatayuan ko.

At mas nandilim ang paningin ko nang akala ko nakatingin si kupal kay Ma'am, ngunit sakin pala siya nakatitig habang ngiting ngiti.

"Regina, you left this on table during our dinner." Inabot niya sakin ang wristwatch ko na tinanggal ko nung nag restroom ako saglit.

Shit.

Unti unti kong nilingon si Miss Fuentes na para bang naguguluhan saming dalawa, hinablot ko lang ang relo ko at saka pumunta sa harapan ni Ma'am. Hindi ko alam kung bakit ba ako biglang kinakabahan.

Like as if I have to explain everything to her. Pero bakit nga ba? Ah kasi ex niya oo tama ayaw ko mag bigay siya ng kahit anong motibo baka pagkamalan pa niya ako no.

"His family is a friend of my parents we both had a dinner, it was also the first time that I met him." I explained, but her emotions is something that I couldn't figure out right now.

"Miss Fuen—"

"I don't care." She coldly said, got into her car and without saying anymore words, she drove off.

Naiwan naman akong nakatunganga habang pinapanuod ang sasakyan niyang papaalis, dapat na ba ako mag impake papuntang ibang bansa?

"You shouldn't be with someone like her." Umigting ang panga ko sa sinabi niya.

Pinagsasabi nito?

"Excuse me?" Minsan lang ako magtaray pero parang sasagarin ata ng lalakeng to ang pasensya ko.

"Venice is that someone that you shouldn't associate with." He said.

"At feeling mo naman close na tayo? At pwede ba, sana ipinahatid mo nalang to kayla mommy imbis na pumunta ka pa dito,"

"I just didn't brought that back for you, Regina. I also came for Venice." Sabi niya at ngumisi pa. Parang gusto ko ata manuntok ng lalake ngayon.

Ang gulo ng itlog nitong lalake to. Sasabihan niya akong wag lumapit kay Miss Fuentes tas biglang sasabihin niyang nandito siya para sakanya? Buang, kailangan na ata nito ng nurse. At bakit ba bigla nagiging ganito ang ugali ng lalake to?

Kahapon para siyang anghel na akala mo mabait sa harapan ng parents ko, ngayon... muka parin siyang chimpanzee.

"Wag mo na siya guluhin," Diin kong sambit. "You wouldn't like it if you even dare to touch a single strand of her hair." I warned him.

Tumawa siya ng sarkastiko. "We just met yesterday and yet you're threatening me, so tell me," Lumapit siya kaya napaatras ako. "Katulad ka rin ba ng pinsan niyang tomboy?" 

Is she talking about Miss Veronica? Gosh, this is why I hate people like him kung wala namang alam sa mga label sana tumahimik nalang kasi maiintindihan ko sana if wala siyang idea sa mga ganon kaso halatang nangaasar siya.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko kaya napapikit ako ng mariin at bumuntong hininga, aalis na sana ako para wag na siyang pansinin nang magsalita pa siya.

"That cousins, you don't know the Fuentes too well Regina. Masyado silang sakit sa lipunan, yung isa tomboy sa pag kakaalam ko nga istudyante niya ang gusto niya. Tama ba? Tapos si Venice," Tumawa siya ulit kaya napintig ang tenga ko. "Masyado na siyang madaming nakama, malandi siya kaya dapat—"

Hindi na ako nagdalawang isip na lumingon sakanya at sugurin siya, kwekwelyohan ko na sana siya ngunit bigla itong bumulagta agad ito sa sahig habang hawak hawak ang nasa baba niya.

Shades Of Agony [PSLU #3] [UPDATING] [GL] Where stories live. Discover now