SA18

5.6K 260 66
                                    

Regina's POV

"Ang weird mo." I blurted out.

"Excuse me?" Gumilid naman ako at tumaas ang kilay niya.

"Sabi mo excuse me?" She bit her lower lips and averted her gaze, but I still caught her trying to stop herself from smiling.

"Stupid, I was trying to ask why you suddenly said that I'm weird." She said, then rolled her eyes.

"Una, binigyan mo ko ng punishment na hickey, pangalawa inaaway mo ko lagi tas magiging possessive ka, pangatlo ang hilig mo kong lapitan. As if parang wala lang yung pagkatapos mong sabihin na it was a mistake, yung totoo nag aadik ka ba, Miss Fuentes?" Tuloy tuloy kong sabi.

She scoffed, tila hindi makapaniwala sa narinig. "I am just joking around, Miss Trinidad. Don't tell me you're getting affected with my actions?"

Parang may kung ano namang gumuhit sa nararamdaman ko sa sinabi niya, "Joke? Clown ka ba?"

"I'm not," Masungit niyang sagot.

"Then, wag mo ko pagtripan, Miss Fuentes. Please wag ako." Her expression softens when I pleaded.

Ayaw ko ng ganito na pinapakita niya, para akong push and pull sa paningin niya that she could just toy around. Kung tungkol parin to sa ex niya, wag na niya sana ako bigyan ng dahilan para sumama ang loob sakanya.

"Look, alam ko naman na mas nag iba ang pakikitungo mo sakin simula nung malaman mong may connection ako sa ex mo. Pero kung ano man ang iniisip mo, wala kong pakealam sakanya at wala kong balak agawin siya sayo." Sabi ko. "Kaya wag na, wag ako, baka bigla akong mahulog sa patibong mo at ako pa ang kawawa sa dulo."

Ibinulong ko ang huli kong sinabi, ayaw kong marinig niya yun at mukang hindi nga niya nakuha dahil nakakunot ang noo niya na tila nag tatanong. Marahan kong iniwas ang tingin sakanya at nung makita ko sila Krystal at dali dali akong umalis at lumapit sakanila.

"Uy, kanina pa namin kayo ni Miss Fuentes hinahanapat magkasama lang pala kayo." Sabi niya at nag papalit palit ang tingin saming dalawa.

Mukang nasa likod ko siya na nakasunod dahil naamoy ko nanaman ang pabango niya.

"Ah oo, nakasalubong ko lang siya after naming matapos ni Miss Elise." Paliwanag ko, naramdaman ko nalang na may umakbay sakin si Caroline lang pala.

"Saan tayo mag lunch?" Tanong niya.

"Veronica has a restaurant near here, we will all be gathering there." Miss Cervantes said.

As usual, ang ginawa nalang ay nasa bus ang ibang istudyante habang kami ay nasa personal van ni Miss Cervantes. Mabuti nalang maganda yung bus nila at high quality yun, hindi typical na bus na meron sa pinas kaya hindi naman masasabing may discrimination. 

Nang makarating kami sa sinasabing restaurant ay naka ready narin pala ang mga pagkain, mukang buffet ang magaganap at naka close rin ito since ginawang guest ang entire department namin. Malaki at may second floor rin siya for some reasons, siguro kasi madami laging costumers.

"Ano ka ba kinalimutan ka ba ng mga magulang mo Lucas?" Nakataas na kilay na tanong ni Portia sakanya.

Ba naman kasi, may dalawang plato sa harapan niya. "Hindi kasya, hindi na nga ako nag kanin para hindi ako mabilis mabusog."

"Ikaw, you should eat more. All of this are part of my recipe naman." Dinig kong sabi ni Miss Veronica habang sinusubuan pa si Portia napangiwi naman ako.

"Gusto mo subuan rin kita Miss Elise?" Tanong ko sakanya dahil katabi ko siya, masaya kasi siyang nilalantakan lang yung kung ano mang tawag sa dessert na kinakain niya.

Shades Of Agony [PSLU #3] [UPDATING] [GL] Where stories live. Discover now